Kaya pala ginawan ng kanta Gloc 9 may ‘pagnanasa’ sa mga sirena
(Pang-masa) - September 23, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Wala raw sa wish list ng rapper na si Gloc 9 ang magkaroon ng solo concert. Kuntento at masaya na siya kung anuman ang achivements niya sa loob ng 18 years niya sa music industry.

“Lagi kong sinasabi na wala akong puwedeng mahingi pa. Sabi nga nila, kung nire-require ng panahon na gumawa ako ng ganitong trabaho, go lang! Ako rin po ang klase ng tao na iiwasan ko siya pag dumating ang time na kailangan kong gawin,” pahayag ni Gloc 9 sa presscon ng series of concert niya sa Music Musem na Ang Kwento ng Makata simula sa October 10, 17, 24 and 31.

Take note na hindi simpleng konsyerto ang gagawin ng rapper dahil sapat-sapat ang sikat na singers niyang guests kada Sabado na siguradong papasukin ng publiko!

Siyempre, bago ang open forum, nagpasampol si Gloc 9 na pinakasikat niyang rap, ang Sirena. Hindi siya nakaligtas sa aming tanong tungkol sa mga sirena.

Sa loob ba ng 18 years, nagkaroon na ba siya ng experience sa sirena?

“Medyo iba po ang landas na natahak ko kaya medyo hindi po ako nagawi sa dagat!” sagot naman ni Gloc 9 na may kasamang ngiti.

Ayaw ba niyang pa-experience sa sirena?

“Maraming salamat po sa offer! Ha! Ha! Ha!” sagot ng sikat na rapper.

Makata ang title ng concert ni Gloc 9 dahil alam niyang pag nagra-rap siya eh para siyang tumutula. Pero nakakakanta rin siya ng straight song?

“Pag ako po ay nasa banyo! ‘Yun po ang time na maganda ang tingin ko sa boses ko eh! O pag kasama ko ang mga anak ko. Pero bihirang-bihira ‘yon,” dahilan ni Gloc 9.

Anyway, ilan sa mga bonggang guests ni Gloc 9 sa concert niya sa magkakaibang Sabado ay sina Bamboo, Aiza Seguerra, Jennylyn Mercado, Kylie Padilla, Jay Durias, Chito Miranda, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Regine Velasquez-Alcasid at marami pang iba. Mula ito sa PPL Entertaiment, Inc. at para ito sa benefit ng Yes Pinoy Foundation.

Ronnie maraming naikamang bakla!

Bininyagan ni Direk Elwood Perez ang singer na si Ronnie Liang sa unang sabak nito sa pelikulang Esoterika: Maynila pagdating sa mga mapangahas na romansahan. Walang kaeklayan daw ang love scenes niya at makatotohanan ang dating sa kanya.

“Hindi siya pinepeke especially knowing Direk Elwood talaga! Gusto niya ‘yung as is,” chika ni Ronnie.

Karamihan daw ng naka-sex scene niya sa movie ay transgenders.

“Lahat, mala-Pemberton ang style!” saad ng singer ng kantang Ngiti.

Ano suot niya sa love scenes?

“Wala! Wala. Sexy film talaga,” sagot niya. Pag hindi perfect, hindi naming tinitigilan,” dagdag niya.

Ano ang pinasilip niya?

“Panoorin na lang po natin!” sabi niya.

How far did he go sa movie?

“The farthest I can!” sagot ni Ronnie.

Tinablan ba siya at may tumigas sa parte ng katawan niya?

“Ha! Ha! Ha! Panoorin na lang po natin!” iwas niya.

Limited lang ang showing ng Esoterika: Maynila na nagsimula kahapon hanggang Sept. 29 sa EDSA Shangrila Cineplex.

Coco namimiligrong talbugan ni James sa Pasko

May nagbulong sa amin na personal na hiniling pala ni Vice Ganda sa Viva Films na isama sa festival movie nila ni Coco Martin ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre. Panay naman raw ang rason ng komedyante na nasa original cast na raw ng movie ang dalawa.

Pero saka lang lumutang ang JaDine loveteam sa movie nang nakumpirma na si Yaya Dub/Maine Mendoza sa festival movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas, huh!

Huwag lang magtaka si Coco pag magsasabay sila sa mall shows ni James kung ang young actor ang mas tilian ng tao kesa sa kanya, huh!

ACIRC AIZA SEGUERRA ANG ANG KWENTO ANO GLOC NIYA PERO RONNIE SIYA WALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with