Gov. Vi, naki-zumba kay Dyan
(Pang-masa) - September 22, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Makikisayaw muna ng zumba si Batangas governor Vilma Santos sa espesyal na Dyan fit segment ni Dyan Castillejo ngayong Huwebes (September 24) sa Sports U.

Kilalanin din ang Azkals goalkeeper na si Roland Muller at ang midfielder na si Misagh Bahadoran, na sikat na sikat dahil sa kanyang dalawang goal sa mga nakaraang laban ng Azkals. Tigil muna sa training ang dalawang football star at magkukuwento ng kanilang mga buhay sa Celebrityfit segment ng palabas.

Hindi naman papahuli ang nakaka-inspire na kwento ng magkapatid na Jerome at Joshua Nelmida. Mahilig sumali sa mga marathon ang magkapatid kahit na sila’y parehong bulag. Todo-suporta naman ang ama at ina nina Jerome kay naman patuloy lang sa pagsali ang magkapatid.

Naglalayon ang Sports U na ipakilala ang mga atletang may mga nakaka-inspire na kwento at posibleng maging sports star ng bansa sa hinaharap. Itinataguyod din nito ang pagkakaroon ng fit na pangagatawan at healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagbabahagi kung paano ito nagagawa ng mga sikat na personalidad.

Huwag palalampasin ang Sports U ngayong Huwebes (September 24), 4:30 PM sa ABS-CBN.

Megan Young ini-enjoy ang character ni Marimar

Tuwang-tuwa ang Kapuso multi-talented actress na si Megan Young sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Marimar. Bukod sa pagiging trending nito gabi-gabi ay umaarangkada rin ang program pagdating sa ratings.

“Natutuwa ako. To be honest hindi ko talaga ine-expect. Basta ang nasa isip ko lang ay gagalingan na lang namin at ie-enjoy namin ang experience. I’m very thankful sa mga patuloy na sumusuporta. Ang dami pang nakaka-excite na mangyayari,” pagbabahagi ng aktres.

Isa nga sa mga kaabang-abang na ma­ngyayari ngayong linggo ay ang pagsisimula ng buhay mag-asawa nina Marimar at Sergio (Tom Rodriguez). Unti-unti na nga kayang mahulog ang loob ni Sergio kay Marimar? Sa kabila ng kasiyahan ni Marimar, patuloy na magngingitngit ang mag-inang Señora Angelika (Ms. Jaclyn Jose) at Antonia (Lauren Young).

Bagamat panay pasakit at pagpapahirap ang natatanggap ng karakter ni Megan bilang Marimar, natutuwa naman ang aktres sa magandang relasyon nila ng kilalang character actress na si Ms. Jaclyn Jose. Kwento ni Megan, “It’s fun. Tita Jane [Jaclyn Jose] is very nice. She always gives me pointers. She’s always there to support in whatever’s happening in the set.”

Hindi man napigilan nina Angelika at Antonia ang kasal, patuloy na magpaplano ang mag-ina mapaghiwalay lamang sina Sergio at Marimar.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood ang Marimar gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

ACIRC ANG ANGELIKA ANTONIA AZKALS MARIMAR MEGAN YOUNG MGA MS. JACLYN JOSE SERGIO SPORTS U
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with