Toni inialay sa bagong pamilya ang award; Sarah ka-level na nina Susan, Gloria, Dawn, Nora, at Maricel!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - September 21, 2015 - 10:00am

Big winner si Toni Gonzaga sa 63rd FAMAS Awards na ginanap last Sunday sa Newport Performing Arts Theater. Ang aktres/TV host ang nanalong Best Actress para sa pelikulang Starting Over Again.

Si Allen Dizon naman ang hinirang na Best Actor para sa pelikulang Magkakabaung.

For Best Supporting Actress ay si Sylvia Sanchez naman ang nanalo para sa The Trial at si Gabby Eigenmann ang Best Supporting Actor for Asintado.

Pinarangalan naman sina Sarah Geronimo, Dawn Zulueta, Maricel Soriano, Nora Aunor, Susan Roces and Glorian Romero bilang Iconic Movie Queens of Philippine Cinema.

Hindi nakarating si Coco Martin na recipient ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award dahil nasa Naga raw ito for the Naga Festival kaya ang manager na lang niyang si Biboy Arboleda ang tumanggap ng tropeo.

Inalay ni Gabby ang kanyang award sa yumao niyang amang si Mark Gil.  Si Sylvia naman ay nagpasalamat kay Aiza Seguerra dahil ito raw ang nagturo sa kanya para magampanan ang role niya bilang lesbian.

Si Toni ay inalay ang kanyang award sa kanyang bagong pamilya – ang mga Soriano.

James at Nadine marami pang wagas na halikan

Ayon kay James Reid, marami pa raw kissing scenes na ma­pa­panood sa kanila ni Nadine Lustre sa On The Wings of Love sa mga darating na episodes.

“There’s more scenes that we’ve already taken that are much more kilig than what we’ve seen so far. It gets better and better every week,” pahayag ni James sa kanyang panayam sa ABS-CBN.

Nagbigay naman ng patikim si Nadine kung ano ang susunod na mangyayari sa love story nila ni James sa OTWOL bilang Clark and Leah.

“After po nung kiss na ‘yun (sa ulan), doon na nag-start si Leah na mag-open up na ng feelings niya. Kasi after ng most approved kiss, dinenay pa niya (‘yung feelings niya for Clark) after. Ito na po yata ‘yung start talaga,” say ni Nadine.

Sobrang pasasalamat din nila sa mga fans na walang tigil sa pagtu-tweet at pagpapa-trend ng OTWOL sa Twitter lalo na nga ‘yung Most Approved Kiss episode last Sept. 17 na uma­bot sa 2 million tweets.

“We owe our fans a lot kasi talagang every night, napapa-trend nila ang ‘OTWOL’ so we are really really happy na ganun po ang suporta nila sa amin,” say ni Nadine.

Madam Claudia at Beabianca sisirain ang relasyon nina Angelo at Yna

Hindi naman magpapatalo ang Pangako Sa ‘Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na napapanood before OTWOL dahil may pasabog din sila.

Magsasanib pwersa sina Madam Claudia Bue­navista (Angelica Panganiba) at Beabianca (Sarah Carlos) para sirain ang pagmamahalan nina Angelo (Daniel) at Yna (Kathryn).

ACIRC AIZA SEGUERRA ANG ANGELICA PANGANIBA ANGELO BEABIANCA BEST ACTOR BEST ACTRESS BEST SUPPORTING ACTOR BIBOY ARBOLEDA NADINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with