^

Pang Movies

Nagpapapansin sa MTRCB?! AiAi luwang-luwa ang boobs sa outfit

PARINIGA NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kuwela ‘yung pag-ala AlDub nina Joey de Leon at ‘Nay Lolit Solis sa bago nilang palabas na CelebriTV ng GMA 7. Ginaya nila ang no talkies sa pagpapakita ng papel nina Alden Richards at Maine Mendoza.  Nagpapakita ng kanyang notes si Joey habang si ‘Nay Lolit ay nakagawa ng paraan na magpasalamat pa rin sa kanyang friends and sponsors sa kanya ring notes na hawak. Okey na sana, kaso nasira nang pabirong hampasin siya ni Joey. Baka akalain ng mga batang manonood na okey ang ginagawa ni Joey na manghampas ng senior citizen na lolang tulad ni Nay Lolit.

Hindi ako nagtataka kung bakit tinusok ni Nay Lolit si Joey nu’ng grade one pa sila dahil hanggang ngayon ay nagagawa pa rin siyang i-harass ng ginagalang na TV host, composer, writer, at actor pero alam naman ng lahat na ganun sila maglambingan ni Nay Lolit.

Puwedeng isali sina Joey at Nay Lolit sa isang serye bilang magkaaway o nag-iiringang magbalae dahil effective ang batuhan ng dalawa.

Samantala, ang lakas ng halakhak ni AiAi delas Alas na kasali rin sa show, ang taas din ng energy nito sa kanyang pagho-host. Very AiAi nga ang kanyang daldal at ingay na baklang-bakla sa kanyang pagho-host.  Hindi mo rin maintindihan kung nagpapapansin sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) si AiAi dahil sa halos lumuwa na ang kanyang boobs sa laki na parang ginamitan ng magic bra.

Sarah nami-miss na ang mag-aral

Pangarap pa rin si Sarah Geronimo na bumalik sa pag-aaral. Nag-stop pala siya sa University of the Philippines. Iba pa rin daw kasi ang ginagawa niya sa UP dahil puro general subjects ang pinag-aaralan niya.

Gusto pa rin ng singer/ TV host na mag-grow para lalo pa siyang maging effective sa kanyang mga trabaho. Gusto niyang ibigay ang best niya sa kanyang trabaho at gusto niya laging maging professional sa kanyang mga commitment.

Sa tagal na ni Sarah sa movie industry hindi raw nawawala ang kaba at exciting pero masarap daw sa kanyang pakiramdam na mayro’n siyang bagong ginagawa from time to time.

ALDEN RICHARDS

ANG

GINAYA

KANYANG

MAINE MENDOZA

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NAY LOLIT

NAY LOLIT SOLIS

RIN

SARAH GERONIMO

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with