_pang-masa
^

Sen. Chiz liyamado raw sa lahat ng Vice-Presidentiables ayon kay Sen. Ralph

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 20, 2015 - 10:00am

Pagkatapos magsalita noon nang tapos ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto, ang kanyang loving husband na si Senator Ralph Recto ang nagpatotoo kahapon na hindi interesado ang misis niya na kumandidatong bise-presidente ng Pilipinas sa eleksyon sa 2016.

Hinding-hindi na magbabago ang desisyon ni Mama Vi ‘no! Matagal na pinag-isipan ni Mama Vi ang kanyang pasya kaya madali sa kanya na sabihin na hindi siya nag-aambisyon na maging pangalawang pangulo ng bansa.

Uulitin ko ang sinabi noon ni Mama Vi, publicity lang ang mga balita na kakandidato siya na VP.

Gustung-gusto ni Mar Roxas na maging running mate ang Star for All Season pero nabigo siya na kumbinsihin si Mama Vi at ito ang dahilan kaya nabaling ang atensyon niya kay Congresswoman Leni Robredo.

Bukod sa kumpirmasyon na hindi tatakbo bilang Vice-President ang kanyang misis, sinabi ni Papa Ralph na sa tingin niya, si Senator Chiz Escudero ang liyamado sa lahat ng mga vice-presidentiable at ito rin ang opinyon ng nakararaming Pilipino.

Baby shower ni Marian, sa sosyal na hotel gaganapin

Malapit na ang baby shower para kay Marian Rivera at sa coming soon baby daughter nila ni Dingdong Dantes.

Knows ko na ang ibang mga detalye tungkol sa bonggang baby shower pero wala ako sa lugar para i-reveal ang mga detalye dahil wala akong kinalaman.

Basta ang masasabi ko, isang sosyal na hotel ang venue ng baby shower at kung sino ang mga invited noon sa bridal shower para kay Marian, sila rin ang mga invited guest.

Sa rami ng mga kaibigan ni Marian, hindi tayo dapat mag-wonder kung magkaroon din ng maraming baby shower para sa unica hija nila ni Dingdong.

Serye ni Ryzza, kapupulutan ng aral

May reminder si Ryzza Mae Dizon sa lahat, ngayon ang unang araw ng airing ng The Ryzza Mae Show Presents Princess in the Palace, ang teleserye na mapapanood sa timeslot ng kanyang morning talk show.

Base sa trailer ng Princess in the Palace, feel good ang teleserye ni Ryzza Mae na mula sa direksyon ni Mike Tuviera.

Kapupulutan ng aral ang Princess in the Palace dahil sa mga eksena na hitik sa moral values.

Alden at AiAi, sumabak na sa shooting para sa MMFF movie

Nagsimula noong September 18 ang shooting ng My Bebe Love, ang official entry nina Vic Sotto at AiAi Delas Alas sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Unang kinunan ang mga eksena nina AiAi at Alden Richards. Kasama sa cast ng My Bebe Love si Maine Mendoza aka Yaya Dub at ito ang first movie niya.

Kailangan na talagang magkita uli sina Alden at Yaya Dub alang-alang sa kanilang filmfest entry. Hindi naman puwede na hindi sila magkita sa mga eksena nila sa pelikula.

ALDEN RICHARDS ALL SEASON ANG CONGRESSWOMAN LENI ROBREDO DELAS ALAS DINGDONG DANTES HINDI MAMA VI MGA MY BEBE LOVE YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with