Sore eyes ni Angel, naging cause of delay sa shooting nila ni Vilma
Jun Nardo (Pang-masa) - September 19, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Biktima rin pala ng sore eyes si Angel Locsin nitong nakaraang linggo. Kaya naman na-delay ang shooting ng untitled movie nila ni Governor Vilma Santos-Recto under Star Cinema.

Eh, nang gumaling na raw ang mga mata niya, atat na siyang mag-shoot uli. Kaso, binawalan muna si Angel ng production dahil mas delikado ‘yung pagaling na ang sore eyes at baka mahawa pa ang iba.

Ilang shooting days na lang ang Vilma-Angel film. Tuwang-tuwa nga ang Ad-Prom heads ng Star Cinema na sina Roxy Liquigan at Mico del Rosario sa mga eksena ni Ate Vi. Ibang-iba raw ang acting niya kaya ganadung-ganado siya sa shooting nito.

Ayon kina Roxy at Mico, next week ilalabas ang final ng title ng movie. Malamang na maging birthday presentation ang movie ni Ate Vi dahil October 28 ang target playdate ng pelikula habang sa November 3 ang birthday ni Gov. Vilma.

Tito Eddie suportado si Sen. Grace!

Wala talagang masamang tinapay sa premyadong aktor na si Eddie Garcia. Kinuha siya para sa pelikulang Tomodachi na pinagbibidahan ng Japanese producer-actor na si Jacky Woo katambal si Bela Padilla.

Biro nga ni Tito Eddie sa presscon ng movie, “I am still alive and kicking! Ha! Ha! Ha!”

Mahalaga kasi ang role sa project ng veteran actor. Siya ang lalabas na older version ni Pancho Magno. So walang isyu sa kanya kung two days lang siyang nag-shoot sa movie.

Siyempre, tinanong na rin namin si Tito Eddie kung ano ang masasabi niya sa announcement ni Senator Grace Poe na tatakbong Presidente sa 2016. Alam ng lahat kasi ang friendship nila ng ama ng senadora na si Fernando Poe, Jr.

“Aba, she should be the President! May ulo, may puso!” deklara ni Tito Eddie.

Eula ginagawan ng sariling Malacañang

Hindi kayang sungitan ni Ciara Sotto si Ryzza Mae Dizon sa mga eksena nila sa kinabibilangan niyang TV series na The Ryzza Mae Show Presents Princess in the Palace na magsisimula na bukas, Lunes, bago ang Eat Bulaga.

“Siyempre, mahal ko si Ryzza at ilang beses na rin akong nag-guest sa kanyang talk show. Kaya nga natatawa ako minsan kapag tinatarayan ko siya! Ha! Ha! Ha!” rason ni Ciara.

Sina Ciara at Marc Abaya kasi ang magpapahirap kay Ryzza kapag tumuntong na siya sa Palasyo kung saan si Eula Valdez ang lalabas na pinuno ng bansa.

Ayon kay Direk Mike Tuviera, kaila­ngang remedyuhan nila ang mga eksena sa lokasyon ng Palasyo ni Eula. Bawal daw kasing mag-shoot sa loob at labas ng Malacañang Palace. Maging sa ilog eh bawal silang kumuha na kanila namang naiintindihan for security reasons.

Kaya naman gumawa sila ng set para sa TV series upang umakma sa kabuuan ng programa!

Alden nagpa-impress sa pamilya ni Yaya Dub, tweet sa unang date mahigit 10M

Present kahapon sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga ang parents at kapatid ni Maine Mendoza o Yaya Dub. Nilapitan sila ni Alden Richards para bumati. Tanong nga ni Ruby Rodriguez kay Alden, “Nagpaalam ka na ba sa date ninyo ni Yaya Dub? Ha! Ha! Ha!”

Inaabangan sa buong mundo ang AlDub Nation ang first date ng kanilang idolo. Halos hindi na yata natulog ang karamihan dahil hanggang madaling-araw ng Sabado, pinaabot nila sa mahigit 2-M tweets ang hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate na pagtuntong ng 11:30 a.m. ay mahigit 4-M tweets na!

Kumbaga, hindi na beast mode kundi Incredible Hulk mode na ang ginagawa ng AlDub Nation!  Eh, suportado pa ng GMA News, DZBB at Barangay LS ang pagpapalaganap ng episode sa KalyeSerye kahapon.

Kaya umabot ang AlDub Nation sa target nilang 10-M tweets para sa hashtag episode ng KalyeSerye, huh!

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ANGEL LOCSIN ATE VI ATILDE EAT BULAGA KAYA STAR CINEMA TITO EDDIE YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with