Pero pasimple Joey binanatan si Pastillas Girl ng Showtime!
Jun Nardo (Pang-masa) - September 16, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Pasimpleng banat ang mga tweets ni Joey de Leon sa account name niyang @angpoetnyo na ikinatawa namin. Buti nga, nag-mellow na ang Eat Bulaga Dabarkards at isa sa hosts ng bagong show ng GMA 7 na Celebri-TV along with Manay Lolit Solis, Ricky Lo at AiAi de las Alas.

Aware si Joey sa nangyayari sa kalabang It’s Showtime. Alam din niya ang pagkakaroon ng babaeng pilit inilalaban kay Yaya. Siyempre, bukod sa AlDub Nation na hindi war-freak na may sagot kay Vice, gayundin si Joey without necessarily mentio­ning directly na aming nabasa Twitter account ng comedian-host. Kahapon din kasi ang second monthsary ng AlDub loveteam kaya ang supporters nila ay todo ang tweet upang umabot ito sa target na 3M, huh!

Heto ang pasimpleng banat ni Joey simula pa last Tuesday:

“Para sa atin, Show love and understanding pa more. Para sa iba, isip-isip pa more pag may time.

“WE CAME, THEY SAW, THEY COVER…VERSION!!! #ALDUB2ndMonthsary @EatBulaga.”

“Film is Art. Theater is Life. Television is Furniture –You can have another of the same! #ALDUB2ndMonthsary

“The complete 2015 Cherie Gil version: You are nothing but a second low rating taeng hard capal cap!” #ALDUB2ndMonthsary

He! He! He!”

Siyempre, sa paglabas ng ibabangga ng It’s Showtime kay Yaya Dub ng Bulaga, sanib-puwersa talaga ang lahat ng outlets ng ABS-CBN – Twitter, Facebook, Instagram, websites, news programs upang pakalatin na pumipik-ap ang pakulo ng noontime show ng Kapamilya Network.

‘Yun nga lang, hindi makaagapay ang hashtag ng pinakakalat nila sa Twitter. Umaga pa lang ay umaarangkada na ang hashtag kahapon na #ALDUB2ndMonthsary kumpara sa #ShowtimePastillasTFW.

Kung pampatanggal umay ang pastillas na offer ni Vice sa mga viewers nila, sweets naman ang counterpart ng AlDub Nation upang pampatanggal ng asim! Bwahahahaha!

MMFF paiinitin nina JaDine at AlDub

Eh ang latest kay Yaya Dub, pasok na siya sa 2015 MMFF entry nila Vic Sotto at AiAi de las Alas na ang bagong title ng My Bebe Love. So ipun-ipon pa more na ang AlDub Nation upang maging number one sa takilya ang unang movie ng kanilang pinakamamahal na love­team, huh!

Sa parte naman ng festival movie nina Vice at Coco Martin, ipinasok ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre upang panabong sa AlDub!

Masayang salpukan ang magaganap sa Disyembre 25 sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival! Hindi pa tapos ang masasayang araw sa showbiz!

Manay Lolit nakaramdam ng emptiness nang tanggalin ang Startalk

Bihirang umiyak si Manay Lolit Solis. Alam ng publiko ang pagiging matapang niyang babae na inaakalang salbahe. As far as we know, hindi niya iniyakan ang pagkamatay ng magulang niya.

Pero nu’ng masangkot sa filmfest scam, nakita ng publiko ang pag-iyak ni Manay. Nasundan ang iyak nang masibak sa ere ng Startalk.

“I felt the emptiness. Na­ging nanay-nanayan na ako ng lahat ng staff. Naging ninang na rin nila ako sa kasal. Ayoko lang ng ninang sa binyag at baka tsugi na ako paglaki nila! Ha! Ha! Ha!” rason ni Manay sa press launch ng bagong show na ipapalit sa Starttalk, ang CelebriTV na simula na ngayong Sabado.

Hindi ipinagkakaila ni Manay na ang Startalk ang bumuo muli ng mundo niya nu’ng panahon na durug na durog ang self confidence niya.

“Pumasok ako noon sa bait-baitan school of ac­ting dahil sa Startalk noon! Ha! Ha! Ha!” pag-aalala ni Manay Lolit.

ACIRC ALAM ANG BULAGA CHERIE GIL COCO MARTIN MANAY MANAY LOLIT MANAY LOLIT SOLIS STARTALK YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with