^

Banker nagkukuripot na Deal or No Deal, magbababu na sa ere?!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - September 13, 2015 - 10:00am

Marami tiyak, Salve A., ang nalulungkot, kapag namaalam na nga sa himpapawid ang (weekdays) daily game show na Deal or No Deal.

Nandiyan ang kung tawagin ng host ng Deal or No Deal na si Luis Manzano ang mga ‘‘lucky stars,’’ na ang gawain lang naman ay ang magbitbit ng mga briefcases na naglalaman ng amount na nagiging batayan kung mananalo o hindi ng grand prize of P1-M ang celebrity contestants o contestant, na napili for the day. May kaukulang talent fee sila.

Magkakaroon daw ng bagong show na ihu-host si Luis. Ito ang Family Feud.

Of Deal or No Deal, so far, ang alam naming nanalo sa mga celebrity na mag-compete for the grand prize of P1-M ay sina Bearwin Meily, ang pairs nina direk Joyce Bernal at Bela Padilla at Nikki Valdez and Kaye Abad.

Sobrang nakatipid si Banker.

Karen Reyes type ring umakting

One of the “briefcase” girls who’ll surely miss Deal or No Deal, pag-amin niya, ay si Karen Reyes.

Not that she would be wanting in assignments, henceforth. As it is, kasali si Karen sa weekly program na Luv U. Bukod sa pinili siya bilang isa sa Star Magic Angels, na hindi lang tinaguriang  pinakabata kundi ang pinakakalog ding kasama.

“Parang wala kasing dull moment with me,” ani Karen.

“Part of my system na ang maging masaya sa tuwina.”

A former Pinoy Big Brother (PBB) Teen housemate, Karen feels lucky na after iniwanan niya ang bahay ni Kuya ay nagkaroon siya agad ng projects.

Napasama siya sa Angelito: Ang Batang Ama na pinasikat ni JM de Guzman, at Moon of Desire na ang bida ay si Meg Imperial.

Her wish for this year ay ang magkaroon ng pelikula.

Isko, kasado na ang pagtakbo sa Senado!

Tuloy ang balak ni Vice Mayor ng Manila, Isko Moreno, na tumakbo for Senator in The 2016 elections.

Yes, under the Liberal Party banner.

Right now, he has, at least, Manila Mayor Joseph Estrada na nangakong tutulungan siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

In the meantime, wonder if Mayor Erap would run for reelection as Manila Mayor, or he would assign his wife, former Senator Loi Ejercito, wika nga, “go for it.”

Meantime, did we hear it right that former Manila Mayor Alfredo Lim, would run for another try for the said position?

Cristina tuloy na rin sa pagka-Mayor

Also a Mayoralty aspirant, we heard, but not in Manila, but in Tacloban City, is former sexy Seiko Films star, Cristina Gonzales.

Councilor siya kasalukuyan of the City and her husband, Alfred Romualdez, has been Mayor ng Tacloban for three terms.

Bulung-bulungan that Mayor Alfred may run either for Congressman of the province of Leyte or Senator.

JayR nilandi si Toni!

Kagaya ng fellow singer na si Nyoy Volante, sumubok din si JayR sa pag-arte, lumabas siya sa Home Sweetie Home, kung saan bida sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga last Saturday.

He played Chester, a bar singer, who flirted with Toni, na agad namang binara ni Toni.

Nyoy is cast in the top rating pre-noontime series, Ningning, where he has for co-stars child actress Jana Agoncillo, Beauty Gonzales, Ketchup Eusebio and veretan actress Sylvia Sanchez.

ACIRC ALFRED ROMUALDEZ ANG ANG BATANG AMA BEARWIN MEILY DEAL KAREN REYES MAYOR NO DEAL STRONG TONI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with