^

Pang Movies

Nagbago na raw siya Jake itinanggi na mastermind at nagyaya kay Enrique na uminom sa eroplano

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ikinagulat ni Jake Cuenca na nasasama siya sa ASAP controversy na mainit na pinag-uusapan ngayon. Ito ang isyung diumano ay nagkainitan at nagkasuntukan sa eroplano sina Luis Manzano at Enrique Gil sa kanilang flight from London kung saan ay nag-show nga ang mga ASAP stars.

Ayon sa tsika ay lasing umano si Quen at diumano ay si Jake raw ang nagyayang uminom sa kapareha ni Liza Soberano kaya sa presscon kahapon ng Pasion de Amor ay isa ito sa natanong sa aktor at nili­naw naman niya agad ito.

Say ni Jake, nagulat nga raw siya nang malaman niya na sangkot din siya sa issue.

“Explain ko ‘yan,” simula ni Jake, “nabasa ko ‘yan kaninang umaga lang, eh, madaling-araw lumabas ‘yan and sa totoo lang, nagulat ako. Kasi talagang hindi ako involved sa issue.

“In fact, natawa ako kasi parang nung umaga lang, grabe, natuwa ako kasi parang binigyan ako ng best in behavior award ng handler (Allan Real) ko, “wow ha, behaved ka sa London, nagbago ka na, Jake, mature ka na,” sabi. “Oo naman, kuya, ako pa ba?” Sabi ko, iba na ako ngayon, ganyan,” kwento pa ni Jake.

Kaya nagulat siya nang biglang mabasa niya na siya ang nagyaya kay Enrique na uminom.

“Alam n’yo naman po, ma­raming beses na akong na-involve sa ganyang klaseng issues, pero malinis po talaga konsensiya ko, hindi po talaga ako involved.

 “And if for anything po, gusto ko lang pong sabihin na ako po ngayon, proud akong sabihin na – hindi ko kayang sabihin nagbagong-buhay ako- pero proud akong sabihin na dahil sigu­ro sa girlfriend ko, marami akong habits na natanggal. Marami akong parang old ha­bits na natanggal and I can really say na with all the maturity, parang masayang-masaya po ako ngayon.

“So, nagulat ako sa issue, but I can’t blame them for involving me because that’s always the case,” he said.

Ayaw nang magsalita pa ni Jake kung ano ba talaga ang nangyari sa kwentong mainit na pinag-uusapan ngayon at aniya ang dapat daw magsalita ay ang mga taong involved mismo.

Ayon kay Jake, karamihan daw sa mga involved ay mga kaibigan niya kaya ayaw na niyang sa kanya pa maunang manggaling ang kwento.

Anyway, bukod kay Luis at Quen, sinasabing sangkot din sa issue si Jessy Mendiola at si Liza Soberano.

As of press time ay wala pang pahayag ang mga sangkot na stars gayundin ang Star Magic na siyang nagha-handle ng kanilang career.

Ellen naghihinay-hinay kay Ejay

Sa presscon pa rin para sa Pasion de Amor book 2, aside from Jake ay present din ang iba pang bida na sina Ejay Falcon, Ellen Adarna, Joseph Marco, RC Munoz at Coleen Garcia na late dumating dahil tinapos pa niya ang It’s Showtime.

Sina Ejay at Ellen ay inurirat talaga nang husto tungkol sa pagkaka-link nila lalo pa nga’t very vocal ang aktor sa pagpapakita ng interes sa kanya.

Ayon kay Ellen ay friends lang daw sila talaga ni Ejay. When asked kung papunta na ba ‘yan sa more than friends, aniya ay hindi raw dahil nasa getting to know each other stage pa lang sila.

“Lumalabas kami, pero ‘yun lang. At saka hindi pa ako ready. Eh kasi kaka-break ko lang sa ex-boyfriend ko. Mga 2 months ( pa lang),” sabi ni Ellen.

Pero posible naman niyang maging boyfriend si Ejay?

“Anything is possible naman,” say ng sexy actress.

Basta excited na si Ellen sa Star Magic Ball sa Saturday dahil ito raw ang first time na dadalo siya sa nasabing event. As we all know ay si Ejay ang kanyang date.

Samantala, dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko kung kaya’t magbubukas ang panibagong kabanata sa buhay ng mga Samonte. Kasabay nito ay ang pagpasok din ng mga panibagong karakter na sina Eduvina, Maryo at Elle na gagampanan nina Pilar Pilapil, Pen Media at Kazel Kinouchi.

Kara at Sarah magkikita na! 

Magaganap na ngayong Biyernes (Setyembre 11) ang inaabangan ng mga tagasubaybay ng Doble Kara at ito ay ang pagtatagpo ng dalawang karakter ni Julia Montes bilang Kara at Sarah.

Matapos mawalay sa isa’t isa ng maraming taon, matutupad na ang matagal nang hinihiling ni Kara na makita muli ang kanyang kakambal na si Sarah mula nang umuwi siya galing Amerika.

Paano magbabago ang buhay nina Kara at Sarah sa muli nilang pagtatagpo? Maibabalik pa ba nila ang dati nilang samahan matapos nilang lumaki sa magkaibang pamumuhay?

ACIRC

AKO

ANG

AYON

EJAY

JAKE

KARA

LANG

LIZA SOBERANO

MGA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with