Luis mainit pa rin ang dugo sa sumbungerong follower!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 9, 2015 - 10:00am

Abot-langit ang galit ni Luis Manzano sa kung sinuman ang nag-report sa kanya sa pamunuan ng photo-sharing site na Instagram.

Nakatanggap kasi ang Kapamilya actor and TV host ng memo mula sa IG na may mga photos at videos siyang pinost na inalis nila dahil hindi raw ito sumusunod sa “community guidelines” na naturang site.

May nag-report kasi na “inappropriate user” siya ng naturang site.

Pakiramdam ni Luis na ipinahiya siya ng kung sinong follower niya dahil na-offend ito sa mga pino-post niyang mga photos at videos.

Karamihan kasi ng mga pino-post ni Luis na photos at videos ay nagpapakita ng kanyang kakaibang sense of humor.

Ang mga videos niya ay mga nakakatawang bloopers ng mga tao na madalas mapanood sa mga American TV shows na America’s Funniest Videos at Jackass.

Sa mga photos naman, pino-post ni Luis ay mga maseselang parte ng lalake at babae. At minsan ay sinasama ni Luis ang kanyang sarili sa mga ito para maaliw niya ang kanyang mga followers.

Kaya sa huling post ni Luis sa IG ay galit na galit ito at sinabi niyang i-unfollow na lang daw siya kung nao-offend sila sa mga pino-post niya.

“To whoever reports my videos, please do the right thing and unfollow if you don’t like my post. You chose to follow so by all means unfollow if you don’t like the content! It’s as if you are invited to someone’s house and then rearrange their furniture because it’s not your thing. Don’t be an idiot, just unfollow me,” pag-caption pa ni Luis.

Kahit na sa kanyang profile description ay ito ang nilagay ni Luis:

“NO ADS PLEASE :) IF YOU DONT LIKE MY POSTS, PLEASE UNFOLLOW OR YOU WILL GET BLOCKED :) NO DMs OF SELFIES TOO, PLEASE :)”

Sa kasalukuyan ay may higit na 1 million followers si Luis sa Instagram.

Fabio Ide seryoso na ang relasyon kay Bianca Manalo

Ang Brazilian-Japanese model-actor-TV host na si Fabio Ide ang gaganap na love interest ni Ken Chan sa bagong breakthrough teleserye ng GMA-7 na Destiny Rose.

Matagal ngang hindi nakagawa ng teleserye si Fabio at pakiramdam niya  ang role bilang Gabriele sa Destiny Rose ang pinakamalaking role na nagawa na niya.

“It’s a very good role and I am excited to do it.

“Ako naman, I am not choosy with work. As long as my manager approves of it, walang problema sa akin.

“I don’t need to be choosy kasi may anak na ako. Kailangan ko ng maraming pera!” sabay tawa niya.

Ikinuwento nga ni Ken na dumaan nila ni Fabio sa isang sensuality workshop. Para mawala ang wall sa pagitan nila bilang mga aktor.

“Yes that is true, me and Ken, we underwent that sensuality workshop. Para lang hindi kami mailang with one another with our scenes.

“We know naman each other, pero hindi kami close ni Ken. Through that workshop nga, naging open kami sa isa’t isa. Naging game na kami sa mga eksena.

“I said to Ken, ‘Let’s do this!’ and we just went for it!” sabay tawa niya.

Iba ang saya sa mukha ni Fabio ngayon dahil sa relasyon niya with former beauty queen at Kapamilya actress Bianca Manalo.

Two months na raw silang may relasyon pero more than five years na raw silang magkaibigan.

“I haven’t felt this happy in a long time. Bianca is a wonderful woman. I think she is the one!

“She not just loves me but she loves my daughter as well. Parang one big family na kaming tatlo,” ngiti pa ni Fabio.

Matagal na raw hiwalay si Fabio sa girlfriend nitong si Mitch Pamintuan noong maging sila ni Bianca. Kaya wala raw magiging issue sa kanyang ex-gf dahil wala na raw silang pakialamanan sa isa’t isa.

Jessica Alba nahaharap sa patung-patong na reklamo dahil sa kanyang palpak na sunscreen product!

Nasa alanganin ngayon ang billion dollar company ng Hollywood actress-turned-entrepreneur na si Jessica Alba na The Honest Company.

Muling nakatanggap ng class action lawsuit ang kumpanya dahil sa failure ng kanilang all-natural sunscreen lotion. May mga consumer na nagkaroon ng matinding sunburn dahil hindi sapat ang SPF 30 sunscreen para maprotektahan ang balat nila.

Humihingi ng higit sa $5 million mula sa kumpanya ang naghain ng lawsuit.

Hindi ito ang unang lawsuit na natanggap ng kumpanya dahil noong nakaraang buwan ay may naghain din ng $1 million lawsuit dahil din sa kapalpakan ng sunscreen product nila.

Nakalagay sa lawsuit ng consumer na si Jonathan Rubin: “The brand is deceptively and misleadingly labeled and marketed its products by calling them natural.”

ACIRC ANG BIANCA MANALO DAHIL DESTINY ROSE FABIO FABIO IDE JESSICA ALBA LUIS MGA NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with