Piolo at Maja, nagkainlaban sa London?!

- Vinia Vivar (Pang-masa) - September 9, 2015 - 10:00am

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang inilabas ng ABS-CBN na mga larawan nina Piolo Pascual at Maja Salvador na kuha sa London kung saan ay makikitang very sweet ang dalawa at parang nagkakamabutihan.

May kuha sila na nakayakap si Piolo kay Maja mula sa likuran habang nagpapa-group picture, may kuha rin sila na magka-holding hands sa sasakyan habang parang tulog sila at nakahilig ang aktor sa aktres.

Ni hindi naman nali-link ang dalawa kaya nakapagtatakang bigla silang naging sweet sa London.

Hmm, ano kaya ang real story behind this?

Ken iniyakan ang role Destiny Rose

Nakakahawa ang pagiging emotional ni Ken Chan sa presscon ng kanyang bagong teleserye sa GMA-7, ang Destiny Rose kung saan ay siya ang bida at title role.

Napaiyak si Ken nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya ngayong finally ay dumating na ang pinakahihintay niyang break. At pati ang co-stars niyang sina Katrina Halili, Sheena Halili at Manilyn Reynes ay nahawa’t napaiyak na rin.

“Sobra po akong masaya na isa po ako sa mga napili,” naiiyak na sabi ni Ken, “masayang masaya po ako na nabigyan ako ng GMA na teleserye po. Sobrang nagpapasalamat po ako.”

Hindi na halos makapagsalita si Ken dahil sa napaiyak na siya nang tuluyan habang pinasa­salamatan ang mga GMA execs na nagtiwala sa kanya. Isa rin sa pinasalamatan niya si German Moreno.

“Walang kasing saya po ang nararamdaman ko ngayon, araw-araw po akong masaya because of Destiny Rose and every taping, excited po akong pumupunta ng taping,” sabi ng aktor na umiiyak pa rin.

In fairness naman to Ken, deserving naman niya talaga ang mabigyan ng break dahil noon pa ay napupuri na siya bilang talented actor na nahasa muna sa teatro bago naging aktor sa showbiz.

Maging ang co-star niyang si Michael de Mesa ay napuri siya base sa trailer na napanood nito that night.

Kapapasok lang daw kasi ni Michael sa serye at hindi pa sila nagkakaeksena ni Ken at sa trailer pa lang niya napanood ang performance ng aktor.

“I saw an actor there,” pahayag ni Michael sa napanood kaya naman tuwang-tuwa si Ken.

Dagdag pa ni Michael, ang iba raw aktor ay may pagka-exagerrated gumanap ng gay role pero si Ken daw ay tamang-tama lang ang timpla, hindi OA, hindi kulang, saktung-sakto lang daw.

Ang Destiny Rose ay tungkol sa isang bading na nangarap maging babae at natupad naman pero higit pa rito ay kaabang-abang ang journey at mga drama ng buhay na pagdadaanan niya.

Magsisimula na sa Sept. 14 ang Destiny Rose sa afternoon slot ng GMA-7 at kasama rin dito sina Fabio Ide, Jeric Gonzalez, Irma Adlawan, Ken Alfonso, Jackie Lou Blanco at marami pang iba mula sa direksyon ni Don Michael Perez.

Nathaniel three weeks na lang

Laban para sa kabutihan ang mapapanood sa Nathaniel in its last three weeks. Dito na makikita ang pinakamahirap na pagsubok na haharapin ng anghel na si Nathaniel na ginagampanan ni Marco Masa.

Sa pagtatapos ng serye kung saan ay tampok din sina Shaina Magdayao at Gerald Anderson ay proud na proud ang Dreamscape Entertainment dahil mula nang umere ito noong Abril, gabi-gabing namayagpag show sa labanan sa national TV ratings.

Talagang nagustuhan ng manonood ang mensaheng ipinararating ng serye sa mga tao at ito ay ang pagtitiwala sa ating Panginoon.

Siyempre, ang lakas din ng impact ng mismong kwento na may bumabang anghel mula sa langit lalo pa nga’t some people don’t believe that angels exist.

ACIRC ANG ANG DESTINY ROSE DESTINY ROSE DON MICHAEL PEREZ DREAMSCAPE ENTERTAINMENT FABIO IDE GERALD ANDERSON GERMAN MORENO KEN NATHANIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with