^

Pang Movies

Rhian tutungtong sa Kapamilya

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Dadayo ang GMA-7 talent na si Rhian Ramos sa ABS-CBN sa Linggo. Well, sa isang dahilan.

A-attend kasi si Rhian ng presscon ng Silong, isang indie film na prinodyus at pinagbibidahan din ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Leading lady nga ni Piolo si Rhian sa nasabing pelikula.

Inamin din ng aktres na sa pelikulang Silong ay marami siyang first time na ginawa.

Isa na nga rito ang naglalagablab nilang mga eksena ni Piolo na ayon din daw kay Piolo, sabi ni Rhian, ay first time lang din ginawa ng aktor. They both showed some flesh too, in some parts of Silong.

‘‘When your partner is game,’’ ani Rhian, ‘‘tulad ni Piolo, you have no choice but, wika nga, go with the flow.’’

Rhian said, she has seen the rushes of Silong. And somehow, humanga raw siya sa ganda ng movie, lalo na raw sa individual performance nila ni Piolo.

Hope naman daw ni Piolo, makatrabaho niyang muli si Rhian.

Of Rhian, in her last series with GMA-7, The Rich Man’s Daughter, she played a lesbian lover to a fellow lesbian, na ginampanan naman ni Glaiza de Castro.

Pokwang ngayon lang magkaka-escort sa Star Magic Ball

Excited na si Pokwang sa darating na Star Magic Ball, pa’no ba naman, ang kanyang escort ay walang iba kundi ang kanyang American live in partner na si Lee O’Brien.

Sa mga nakaraang ball, inalala ni Pokwang na lagi siyang mag-isa uma-attend. But she never felt awkward naman. Open book naman kasi sa kanyang mga fellow Star Magic talents na wala siyang boyfriend.

‘‘Kaya, I want to make the most of the evening,’’ pahayag ni Pokwang, na magsusuot ng gown na designed and executed for her by her favorite designer.

‘‘Nakita kong isinukat na rin ni Lee ang isusuot niyang suit,’’ kuwento ni Pokwang.

‘‘Tingin ko, lalo siyang guwapo.’’

Tulad ni Pokwang, who is busy with the series, Nathaniel, nagsimula na rin si Lee ng taping, for his new TV series for TV5, Kano Loves Pinay, with Tuesday Vargas as his leading lady.

By the way, less than three weeks na lang sa himpapawid ang Nathaniel, na pinagbibidahan ng child actor na si Marco Masa.

Carmi forever sexy and single lang ang peg!

As 52, mukhang ‘di na nga balak ni Carmi Martin na mag-asawa pa. Obvious na happy siya being single.

Yet, there’s, no doubt, na ang ganda pa rin ni Carmi at napapanatili pa niya ang kanyang kaseksihan.

Inaalagaan daw talaga ni Carmi ang sarili and, surprisingly, she revealed, hindi para kung kanino pa man, kundi para sa kanyang sarili.

Obviously, she feels satisfied na makita ang sariling maganda pa rin at sexy at her age na maraming humahanga.

Carmi, as far as we know, ay never na-link to any particular actor.

May mga ng balita minsan na nagkaroon siya ng non-showbiz boyfriend. But obviously, hindi naman ito nagtagal.

Still in demand for roles na kaedad niya, Carmi currently plays mother in-law to Manilyn Reyes, whose, husband, Michael V., is supposedly Carmi’s son, in the long running comedy series on GMA-7, Pepito Ma­naloto.

ACIRC

ANG

CARMI

CARMI MARTIN

KANO LOVES PINAY

LEE O

PIOLO

POKWANG

RHIAN

SILONG

STAR MAGIC BALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with