Babad din ang bibig sa malalaswang salita at mahilig mantuka, Female singer sinisiraan ang kapwa singer ‘pag nalalasing
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 8, 2015 - 10:00am

May hindi pala magandang bisyo ang female singer na ito. Mahilig pala itong makipag-inuman at kapag nasaniban na ito ng espiritu ng alak ay may mga ginagawa ito na hindi niya alam.

Maingay at puro malalaswang salita ang lumalabas sa bibig nito kaya turned-off ang mga nakakasama niya sa inuman at ang tawag sa kanya ay “babaeng nawawala sa sarili”.

Ibang-iba nga ang image ng female singer kapag nakaharap ito sa camera. Sweet, tahimik at halos walang kibo. Kapag nasa dressing room daw ito, nakikinig lang sa kanyang iPod.

Pero kapag kasama raw nito ang kanyang mga non-showbiz friends at nakikipag-inuman, nagiging ibang babae na siya at kung sinu-sino nga raw ang niyayakap at hinahalikan kapag lasing na ito.

Ang nakakalokah pang ginagawa ng lasenggang female singer ay ang manlaglag ng mga kasama niyang mag-perform sa mga shows. Nilait nga niya ang isang female singer na minsan ay nakasama niya sa isang show.

Bukod daw sa sumasabit ang boses nito kapag nag-attempt itong bumirit, mabaho pa raw ang hininga dahil noong siya na raw ang gumamit ng microphone nito, ang baho raw ng amoy at kinailangan niyang punasan muna ito bago niya gamitin.

Mga kantang itinago ni Willie ng dalawang taon, ilalabas na

Pumirma ng isang recording contract ang host ng Wowowin na si Willie Revillame with GMA Records noong nakaraang September 4.

Present sa kanyang contract-signing ay sina GMA Records Executive Vice President and Chief Operating Officer Felipe S. Yalong, GMA Records Managing Director Rene A. Salta, album producer and award-winning composer Vehnee Saturno.

Masaya si Willie sa ginagawa niyang album dahil magagawa niyang i-share ang kanyang music sa maraming sumusuporta sa kanya.

“Matagal na ito eh, almost two years ago noong gumawa kami ng mga songs at nakatago lang. Hinihintay lang namin ang tamang panahon. 

“Now, it’s the right time at ito na nga ang tamang panahon sa GMA Records.

“Right time, right songs, with the right people. Ire-release na po ito malapit na, ang carrier single ay Nando’n Ako.”

May mensaheng ‘love conquers all’ ang carrier single ni Willie.

Sa kanyang show na Wowowin on Sunday niya opisyal na ire-release ang kanyang single.

Papatayin na talaga si Bruce Jenner Caitlyn Jenner atat na sa pagpapalit ng kanyang pangalan at kasarian  

Inaayos na ni Caitlyn Jenner ang ilang mga documents para maging legal ang pagpalit niya ng kanyang name at gender.

Nagkaroon siya ng meeting with Drian Juarez, ang representative ng Los Angeles LGBT Center, para alamin ang mga dapat niyang ayusin na mga papeles.

“You have to go through the court-ordered process, which has been streamlined a bit. Before you had to have gender-confirmation surgery before you could change your gender marker. There was advocacy done to change that and now you just have to have clinically-appropriate treatment to change your gender marker,” sey pa ni Juarez kay Jenner.

Marami na raw kasing napakinggan na mga kuwento si Jenner mula sa ilang transgender na nahihirapan pa rin sa pagpapalit ng kanilang legal identity.

“After hearing all the struggles people go through because they don’t have the proper documentation, I realized that I should be a little bit more aggressive in dealing with this issue of my identity. I think it’s time to get that process started,” diin pa niya.

Kapag ni-recognize na raw ng court ang legal identity ni Caitlyn, bibigyan na ito ng ID na mag-ackowledge na siya ay si Caitlyn Jenner sa lahat ng state sa U.S.

ACIRC ANG BRUCE JENNER CAITLYN JENNER CAITLYN JENNER DRIAN JUAREZ FELIPE S ITO KANYANG MGA NBSP NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with