^

Pang Movies

Eye Popper at Human Vending Machine sa Superhumans

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kilalanin ngayong Martes ng gabi sa Stan Lee’s Superhumans ang dalawang indibidwal na may kakaibang mga kanya-kanayang hindi nagagawa ng ordinaryong mga tao!

Si John Doyle, kayang-kaya raw kontrolin ang kaniyang mga mata gaya ng sa chameleon! Para mapatunayang karapat-dapat siyang mapabilang sa liga ng real-life superhumans ni Stan Lee, susubukin ni John na basagin ang record ng pinakamatagal na pagpapausli ng mga mata ng isang tao mula sa mga socket nito—sa loob ng nakabibilib na 53 seconds!

Mapapanood din si Stevie Starr na sinasabing kaya raw niyang lumulon ng shocking objects at ilabas ang mga ito sa anumang paraan niya naisin! Ito ba’y isa lamang trick o totoo nga bang isa siyang human vending machine? Alamin iyan kasama ng host na si Daniel Browning Smith. Huwag palalampasin ang Stan Lee’s Superhumans ngayong gabi, September 8, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

 

ALAMIN

DANIEL BROWNING SMITH

HUWAG

ITO

KILALANIN

MAPAPANOOD

MGA

NBSP

SI JOHN DOYLE

STAN LEE

STEVIE STARR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with