Hobby ang tumalak Direktor isinumpa ng mga baklang nginarag sa shooting na hindi naman nakunan ng camera
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 7, 2015 - 10:00am

Sinusumpa ng isang grupo ng make-up artists at stylists ang isang teleserye director na ito.

Pinagsisisihan nila ang araw na nakipagtrabaho sila rito dahil bukod sa sobra silang na-stress, parang binastos pa raw sila dahil sa ginawa nitong pagkuha sa isang eksena.

Kuwento ng aming source, kukunan daw ang isang malaking scene para sa naturang teleserye. Dahil party scene iyon, maraming extra ang kailangan. Sosyal ang party kaya ang demand ng director ay sosyal ang makeup at mga suot ng mga extra.

“Tumalak si direk na gusto niya mukhang sosyal lahat ng mga extra. Hindi puwedeng mumurahin ang damit at pangkaraniwan lang ang makeup at hairdo.

“Binigyan ng isang oras lang ang mga makeup artist at stylist na ayusan ang higit na 30 extras para sa naturang eksena.

“Dahil nga raw may cut-off time si direk kaya after one hour ay kukunan na niya ito at ang makita niyang hindi maganda ang ayos ay tatanggalin niya sa eksena.

“Kaya naman ang mga bakla, parang mga manok na nagtakbuhan sa kung saan-saan dahil isang oras lang ang binigay sa kanila.

“Pinapila na ng mga makeup artists ang mga extra na aayusan. ‘Yung mga stylist naman ay naghanap na ng mga sosyal na damit para sa 30 extras.

“As in nangarag lahat dahil sa demand ng kanilang direktor na ang past time yata ay ang tumalak at pagalitan ang mga tao sa set!”

Noong maayos na raw lahat, tiningnan pa ng director isa-isa ang mga inayusan na extra. Natuwa naman daw siya sa nakita niya at pinapuwesto na ang ito sa venue.

Pero ikinalokah daw ng mga bakla ay ang shot daw ni direk ay mga likod lang ng mga extra!

“Napamura ang mga bakla kasi nga kinarir nila ang pag-ayos sa mga extra. Pero ang mga kamera ay nakapuwesto sa likod ng mga extra at ang shot ay nakatutok lang sa mga artista.

“Sana kung nag-tracking shot man lang sa mga mukha ng mga inayusan na extra para makita ang make-up at damit. Kaso hindi nangyari iyon dahil ang tatlong kamera ay nasa likod lahat. Ultimo ang crane camera ay hindi man lang dumaplis sa mukha ng mga extra,” nalolokang kuwento pa ng source namin.

Dahil umabot na sa cut-off time ng director, ‘yun lang ang eksena na kinunan at pinak-up na.

Kaya sinusumpa nga ng mga bakla ang direktor dahil pinagod lang daw sila at ang ending ay hindi naman nakita sa eksena ang pinagpaguran nilang gawin.

Pacman kinontra si Arum, hindi raw niya iiwan ang boxing

Pinabulaanan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang sinabi ni Bob Arum sa international media na siya ay magre-retire na sa boxing next year.

Noong lumabas sa mga online sports website ang interview ni Arum, mabilis na su­magot si Manny tungkol dito.

Ayon kasi kay Arum ay mas mag-concentrate si Manny sa kanyang political career. Tatakbo raw kasi itong senador next year at isusunod na raw niya ang maging presidente ng Pilipinas.

Diin ni Manny ay hindi raw magiging dahilan ang kanyang political career kaya ititigil na niya ang pakikipaglaban sa boxing ring.

 “I know better what is happening to my body.

 “Just leave it alone. Better not to react to that,” pahayag pa ni Manny sa media.

Eight-time world champion sa magkakaibang weigh divisions si Manny. Napagsabay nga niya ang pagiging isang athlete at ang pagiging isang politician.

May kasalukuyang pa siyang sports program sa GMA-7, ang MP Sports Science.

May balita ring may gagawin siyang sitcom with Wowowin host Willie Revillame.

Wala pa ring kinukumpirma si Manny kung tatakbo siya para sa mas mataas na posisyon sa gobyerno in 2016.

Ang kinumpirma lang niya ay ang susunod niyang laban sa isang unnamed opponent in April 2016.

Sinisigurado ni Manny na hindi raw iyon ang magiging huling laban niya.

Sandra Bullock, photographer ang bagong natipuhang dyowain

Kumpirmado na ngang may bagong boyfriend ang Oscar winner actress na si Sandra Bullock.

Ito ay ang 41-year hunky photographer na si Bryan Randall. Ilang buwan na raw silang nagde-date at ito ang kasama ni Sandra sa wedding ni Jennifer Aniston at Justin Theroux.

Nakilala ni Sandra si Bryan through mutual friends noong maghanap siya ng photographer para sa birthday party ng kanyang anak na si Louis.

Simula noon ay nakikita na silang nagde-date sa iba’t ibang lugar sa Los Angeles.

Ipinanganak at lumaki sa Portland, Oregon si Bryan. Nag-aral siya ng kanyang high school sa Pennsylvania.

Former model ng Hugo Boss at Saint Laurent si Bryan at lumabas na siya sa Vogue Paris. Nakatrabaho na siya ang mga supermodels na sina Cindy Crawford at Lily Aldridge.

Ngayon ay may sari­ling professional photography business si Bryan, ang Bryan Randall Photography. He specializes in children’s photos and outdoor scenes and landscapes.

May anak na babae si Bryan mula sa kanyang dating asawa.

Hindi raw si Sandra ang unang Hollywood girlfriend ni Bryan. Naka-date na niya noon ang singer-actress na si Paris St. John.

 

ACIRC ANG BRYAN DAHIL EXTRA HINDI LANG MGA NIYA RAW SANDRA BULLOCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with