_pang-masa
^

Senador outdated sa pag-ayaw ni Ate Vi sa offer ni Sec. Mar, kailangang magbasa ng diyaryo!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 5, 2015 - 10:00am

Hindi yata nagbabasa ng diyaryo ang senador na nagsabi na viable na Vice-President ni DILG Secretary Mar Roxas si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Nagsalita na si Mama Vi na hinding-hindi siya kakandidato na bise-pre­sidente ng Pilipinas sa 2016 elections dahil alam niya ang kanyang mga ka­kayahan at limitasyon.

Sinabi rin ni Mama Vi na mga publicity lamang ang mga lumalabas na balita na siya ang bise-presidente ni Papa Mar sa susunod na taon.

Nagsalita na nang tapos si Mama Vi at lumabas sa halos lahat ng mga diyaryo at news program ang kanyang statement pero hindi yata ito napanood ng senador na sige sa pagbanggit sa name ng Star for All Seasons. Imposible talaga na hindi niya nabasa o napanood ang mga interview kay Mama Vi. Lalong imposible na wala sa mga kapartido niya ang nagsabi na hindi talaga interesado si Mama Vi sa vice-presidential post na iniaalok sa kanya ng Liberal Party.

Dalawang Pinay maglalaban sa Miss Earth 2015

Katrina Kendall ang pangalan ng half-Pinay half-British na nanalo ng Miss Earth England crown and title.

Nag-win si Katrina dahil maganda at matalino siya. Si Katrina ang makakalaban ni Miss Earth Philippines Angelia Ong sa Miss Earth 2015 na magaganap sa Vienna Austria sa December 2015. Ang current Miss Earth na si Jamie Herrell ng Pilipinas ang magsasalin ng korona sa kanyang successor.

Ken ayaw ilaglag ang mga Kapuso actor na nakalaban na maging transgender

Nag-audition si Ken Chan para sa role ni Destiny Rose sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na magsisimula sa September 14.

Maraming mga aktor ng GMA-7 ang nag-join sa auditions pero si Ken ang pinalad na mapili.

Tumanggi si Ken na sabihin ang pangalan ng mga Kapuso aktor na umasa na sila ang magbibida sa kauna-unahang transerye ng GMA-7.

Sinabi lang ni Ken na baka siya ang pinili dahil sa kanyang lean figure na papasa bilang transgender woman.

May mga love interest si Ken sa Destiny Rose pero hindi raw sila magkakaroon ng kissing scenes dahil hindi ito papasa sa MTRCB bilang panghapon ang kanilang television show.

Matagal na naghintay si Ken ng malaking break sa showbiz kaya tuwang-tuwa siya sa mga pagbabago na mangyayari sa kanyang acting career dahil sa Destiny Rose.

Engagement ring ni Pauleen walang dudang mahigit sa P1-M ang halaga!

Walang nagduda na mahigit sa isang milyong piso ang diamond engagement ring na ibinigay ni Vic Sotto kay Pauleen Luna.

Mahilig ako sa alahas kaya knows ko agad na mamahalin ang engagement ring nang makita ko ang litrato nito.

Ipinakita rin sa isang expert sa mga alahas ang picture ng engagement ring na natanggap ni Pauleen mula sa love of her life.

Kinumpirma ng alahera na naglalaro sa isang milyong piso hanggang P1.5 million ang bonggang singsing na ibi­nigay ni Bossing sa babae na pakakasalan niya bago matapos ang 2015.

ACIRC ALL SEASONS ANG BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO DALAWANG PINAY DESTINY ROSE JAMIE HERRELL KAPUSO MAMA VI MGA MISS EARTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with