Dahil sa media ban pelikula ni Ate Vi, malabong mapanood kung tatakbo siya sa 2016 elections
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - September 3, 2015 - 10:00am

Mabilis trumabaho ng pelikula ni Ate Vi. Wala pa nga silang working title pero tuluy-tuloy na ang kanyang shooting. Hindi na tayo dapat magtaka kung bakit minamadali ang pelikulang iyan nga­yon. Una dahil matagal na rin namang delayed ang proyektong ‘yan.

Ikalawa, mukhang nakumbinsi na rin si Ate Vi na tumakbong congressman sa lone district ng Lipa. Bago nilikha kasi ang distritong iyon, ngayon lamang magkakaroon ng sariling congressman ang Lipa. Iyon ang pinapatakbuhan nila kay Ate Vi matapos niyang tanggihan with finality ang sinasabing vice presidential bid.

Kung matutuloy nga si Ate Vi, na mukhang mang­yayari dahil sa sitwasyon ngayon, hindi na mailalabas ang pelikulang iyan kung aabutin pa ng filing ng certificate of candidacy, dahil oras na gawin niya iyon, sakop na siya agad ng media ban ng eleksiyon. Hindi na mailalabas ano mang pelikula niya.

Maliwanag din naman ang sinasabi ni Ate Vi, ayaw niya sa isang national government position dahil mauubos ang oras niya sa trabaho roon. At isa pa, mukha talagang ayaw niyang iwanan ang Batangas kaya kung sakali man at ituloy niya ang kanyang trabaho sa gobyerno, gusto niya sa Batangas pa rin. Bakit nga naman hindi, eh doon siguradong panalo siya kahit na hindi siya magkampanya dahil sa mga natapos niyang proyekto at malinis sa record, una nga sa Lipa at nang malaunan ay bilang gobernador ng Batangas.

Sinasabi nga nila na binago ni Ate Vi ang political profile ng Batangas dahil bago siya, walang babaeng naging mayor ang Lipa. At lalong walang babaing naging governor ng Batangas. Hindi naging ugali ng mga Batangueno na bumoto ng isang babae, pero nagawa iyon ni Ate Vi, at wala siyang talo, or should we say walang nakalaban sa loob ng la­bingwalong taon?

Mga anak ni Bossing, hindi pabor sa kasal nila ni Pauleen?

Hindi na balita sa amin ang ginawang pag-amin ni Vic Sotto na engaged na nga sila ni Pauleen Luna. Usually, basta naman may girl­friend siya, inaamin naman iyon ni Vic.

Sa natatandaan namin, minsan lang hindi inamin ni Vic ang kanyang girlfriend, pero pinanindigan naman niyang maging tatay ng kanilang naging anak. May dahilan naman kung bakit ganoon.

Pero marami nang naging girlfriend na noong kasagsagan ng relasyon ay nabalita ring pakakasalan na ni Vic. Hindi ba iyong kanyang “immediate past” na si Pia Guanio ganoon din ang balita noon, hanggang sa lumabas na lang na wala na sila at nagpakasal si Pia sa iba.

Kaya iyang sinasabing engagement niya kay Pauleen, mahirap nating sabihing sigurado na. Hindi dahil may engagement ring na sila ay iyon na iyon. Hintayin natin kung talaga ngang may kasalang mangyayari. Mas marami ka­sing factors na kailangang isipin sa ngayon. Una ang mala­king agwat ng kanilang edad. Isa pa, talaga bang comfor­table sa relasyong iyon ang lahat ng mga anak ni Vic?

Noong una kasi may naririnig pa kaming resistance. Si­gu­ro nga kinausap na ni Vic ang kanyang mga anak, at tiyak naman iyon na basta kinausap niya ang mga iyon, wala namang maaaring umangal sa kanya. Kahit naman ganoon ang sitwasyon nila, naging mabuting ama si Vic sa kanilang lahat. Pero talaga nga bang palagay na ang kanilang loob na muling mag-asawa ang kanilang ama?

ACIRC ALIGN ANG ATE VI BATANGAS HINDI IYON LEFT NGA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with