Ano’ng sey mo, Dina?! Bossing Vic at Pauleen, ikakasal na sa December
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 2, 2015 - 10:00am

Maliban sa pag-amin na engaged na sila ni Pauleen Luna, wala nang ikinuwento si Vic Sotto sa mga reporter na nakatsikahan portion niya kahapon sa isang presscon.

Tumanggi si Bossing na magbigay ng mga detalye tungkol sa engagement nila ng alaga ko pero may mga kumbinsido na matutuloy sa December 2015 ang kanilang kasal. Sinabi ni Bossing na magsasalita siya sa tamang panahon.

Matagal nang annuled ang kasal ni Bossing kay Dina Bonnevie at friends na sila.

I’m sure, pilit na aalamin ng mga reporter ang reaksyon ni Dina tungkol sa engagement ng kanyang ex-dyowa kay Pauleen. Minsan nang sinabi ni Dina sa isang presscon na naka-move on na si Bossing mula nang magpakasal siya kay Ilocos Sur Vice-Governor DV Savellano.

Bumiyahe sa Cali para magpatahi ng gown

Kasabay ng pag-amin ni Bossing ang paglipad ni Pauleen sa California. Siyempre, nagmalisya ang fans na baka bumiyahe si Pauleen sa US para magpagawa o bumili ng wedding gown. Masyadong matindi ang imagination ng fans na nag-pralala na baka magpapatahi si Pauleen ng gown kay Vera Wang o sa Filipina designer na si Monique Lhuillier.

Vic at Pauleen 35 years ang age gap

Sixty-one years old na ngayon si Bossing at 26 years old naman si Pauleen. Thirty five years ang age gap ng dalawa pero may kasabihan na age doesn’t matter sa mga nagmamahalan. Walang ipinagkaiba ang   love story nina Bossing at Pauleen sa AlDub.

Nagkita na sina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa isang magazine event noong 2010 bago sumikat sa KalyeSerye ng Eat Bulaga ang kanilang loveteam.

First time na nagkita sina Bossing at Pauleen nang sumali ito sa Little Miss Philippines pero walang nag-akala na darating ang araw na magkakaroon sila ng relasyon dahil neneng-nene pa noon si Pauleen.

Engagement ring lumitaw na rin

Dahil sa pag-amin ni Bossing na engaged na sila ni Pauleen, biglang lumabas sa social media ang engagement ring nila. Ang acting coach ni Pauleen na si Beverly Vergel ang naglabas ng engagement ring photo nina Bossing at Pauleen. Ang sey ni Beverly, happy siya para sa dalawa.

ALDEN RICHARDS ANG BEVERLY VERGEL BOSSING DINA DINA BONNEVIE EAT BULAGA ILOCOS SUR VICE-GOVERNOR LITTLE MISS PHILIPPINES MAINE MENDOZA PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with