^

Mga choir maglalaban-laban sa mahigit isandaang libong pisong papremyo

(Pang-masa) - August 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Iniimbitahan ng Manila Broadcasting Company ang iba’t-ibang choirs mula sa mga paaralan, parokya, komunidad, tanggapan, at maging mga special interest groups na lumahok sa 2015 MBC National Choral Competition.

Itinuturing bilang pinakamalaking all-inclusive choral competition sa bansa, tampok dito ang labanan sa children’s division at open category. Mahigit isandaang libong piso ang nakalaan sa mga magwawagi.

Magsasagawa ng live auditions sa Cauayan, Isabela sa ika-5 ng Setyembre; sa Iloilo sa ika-26 ng Setyembre; Cebu sa Oktubre 1; Palo, Leyte – Oktubre 3; General Santos City – Oktubre 10; Cagayan de Oro – Oktubre 11; Calasiao, Pangasinan – Oktubre 17; at sa Aliw Theater, Star City Complex, Pasay sa ika-24 ng Oktubre.

Ang mga choir sa iba pang mga lalawigan ay maaring mag-audition sa pama­magitan ng pagpapadala ng high-quality video lakip ang application form. Dapat itong matanggap sa MBC head office bago mag-ika-16 ng Oktubre.  

Ang detalyadong contest mechanics ay maaring makita sa official Facebook page ng MBC National Choral Competitions

Maaring magparehistro o magbigay ng iba pa’ng katanungan sa Yes FM Cauayan – 0927.388.8277; Love Radio Iloilo – 0917.501.7070; Easy Rock Cebu – 0917.315.3539; Love Radio Tacloban 0906.699.5732; Love Radio GenSan – 0916509.2222; Easy Rock Cagayan de Oro – 09127.704.0527; Love Radio Dagupan – 0932.424.4229, o kaya’y mag-email sa  para sa Mega Manila auditions.

ACIRC ALIW THEATER ANG CAUAYAN EASY ROCK CAGAYAN EASY ROCK CEBU GENERAL SANTOS CITY LOVE RADIO LOVE RADIO DAGUPAN LOVE RADIO ILOILO OKTUBRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with