^

Vicky Belo magkakaanak uli!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 30, 2015 - 10:00am

Malapit nang madagdagan ang anak na lalaki ni Dra. Vicki Belo dahil engaged na ang kanyang only daughter na si Cristalle sa chef boyfriend nito na si Justin Pitt.

Nagbabakasyon pa si Mama Vicki sa ibang bansa kaya hindi ko pa alam ang complete details tungkol sa engagement nina Cristalle at Justin na good looking in person nang ma-meet ko siya noon sa isang binyagan. Walang relasyon si Justin sa Hollywood actor na si Brad Pitt pero pareho sila na pogi.

Congrats kina Cristalle at Justin na in love na in love sa isa’t-isa kaya tama lang na magpakasal na sila.

Tiyahin ni P-Noy na si Tingting Cojuangco at Anthony Taberna, present sa rally ng INC

Araw kahapon ng Linggo pero matindi ang trapik sa northbound ng EDSA sa tapat ng Megamall dahil sinakop ito ng mga member ng Iglesia Ni Cristo.

Hanggang kahapon lang ang permit na ibinigay ni Mayor Benhur Abalos sa mga nagkikilos-protesta laban kay Department of Justice Secretary Leila de Lima kaya malalaman natin ngayon kung itutuloy ng INC members ang kanilang plano na ituloy ang demonstrasyon.

Headline ng mga television news program at mga pahayagan ang gathering ng INC members sa EDSA dahil sa mga motorista at pasahero na nagdusa sa trapik na epekto ng anti-government demonstration.

Na-sight sa rally ng INC si Tingting Cojuangco na tiyahin ni P-Noy at si Anthony Taberna ng ABS-CBN.

Plano ni Sen. Grace malapit nang malaman

Ilang araw na lang, malalaman natin ang pasya ni Senator Grace Poe tungkol sa political plans niya sa 2016.

Alam ko na ang petsa pero my lips are sealed muna. Basta excited na ako sa mga mangyayari sa third week ng September dahil sa announcement na ga­gawin ni Mama Grace na ma­tagal nang hinihintay ng lahat. Kakandidato ba siya na pre­sidente ng bansa o hindi sa susunod na taon? Malalaman natin ang sagot sa tamang panahon!

Sunday PinaSaya pulidung-pulido na!

In fairness, well-polished na ang Sunday PinaSaya na hindi ko na nakakaligtaan na panoorin tuwing Linggo dahil entertaining ang mga co­medy skit, production number at game segment.

Type na type ko ang Kantaririt dahil nakakaaliw ang game segment nina Marian Rivera at Jose Manalo.

Ang mga host ng Unang Hirit at Walang Tulugan ang nagtunggali sa Kantaririt. Nakakatawa ang grupo ni Arnold Clavio kapag hindi nila nahuhulaan ang pamagat ng mga kanta.

Pulido ang mga segment ng Sunday PinaSaya dahil pinagpapaguran ito ng mga host at production staff. Tatlong araw ang rehearsals ng lahat na nagsisimula ng Huwebes hanggang Sabado dahil pinag-aaralan ng direktor ang mga camera angle.

Willie nagpaulan ng datung dahil sa sobrang ligaya!

Namudmod na naman kahapon si Willie Revillame ng limpak-limpak na salapi sa Wowowin.

Halata na inspired na inspired si Willie dahil bonggang-bongga ang ratings ng kanyang game show sa GMA 7 mula nang ilagay ito sa 2 p.m. timeslot.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang Wowowin supporters na dara­ting ang araw na magiging daily show na rin ang kanilang favorite game program.

May mga report na hindi na matagal ang ipaghihintay ng W­owowin loyalists dahil sa good news na ikaliligaya nila bago matapos ang 2015.                              

ACIRC ANG ANTHONY TABERNA ARNOLD CLAVIO CRISTALLE DAHIL JUSTIN MGA NBSP STRONG TINGTING COJUANGCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with