^

Pang Movies

Kris na-high blood dahil sa kakakain sa kung saan-saang restaurant

Pang-masa

MANILA, Philippines – May humuhulang kaya na-highblood si Kris Aquino ay dahil sa masasarap na pagkaing tinitikman niya tuwing may dinadalaw na restaurant ang kanyang show na KrisTV. Masama raw kumain palagi ng masasarap dahil ito ay nakaka-high blood. Limited na siyang kumain ng masasarap at bawal.

Isang katsika naming aktres ang nagkukuwento na may pamangkin siyang seven years old pa lang na muntik nang ma-mild stroke. Ito raw ay dahil sa sobrang paglalaro ng computer na palaging nakaupo at nakatutok sa computer at ginagabi sa paglalaro. Pinapayo niya sa mga batang mahilig maglaro ay huwag daw tularan ang ganitong bisyo dahil baka ma-stroke rin sila kahit pa sa murang edad.

Lovi manhid sa laplapan nina Heart at Rocco

May mga nagtatanong, nagseselos ba si Lovi Poe sa tender love kissing scene nina Heart Evangelista at kanyang boyfriend na si Rocco Nacino sa Beautiful Strangers? Magkaibigan sina Heart at Rocco, without knowing noong una, si Lovi ang dating girlfriend nito sa istorya. Alam naman ng lahat kung gaano kamahal ni Lovi si Rocco.

Well, pare-pareho naman silang mga artista, kaya marahil walang problema, magkaroon man ng kissing scene sina Heart at Rocco. Mabuti na lang totoong magkaibigan sina Lovi at Heart dahil kung hindi, baka magkaproblema sila. Mahirap kasing magkadebelopan. Isa pa, masakit ‘pag dumating sa puntong kailangan nang maghiwalay.

Felix Manalo tiyak na tatabo sa takilya

Masuwerte si Dennis Trillo dahil sa rami ng mga artista, akalain bang siya ang napili ng Iglesia ni Cristo na gumanap bilang Felix Manalo. Tiyak pipilahan ang naturang pelikula, siguradong obligadong manood ang mga taga-INC. May mga nagtatanong, sa naturang movie ay kasali rin ba ang mga natiwalag na miyembro ng INC para maging kumpleto ang istorya nito?

Pogi nga pala si Ka Felix Manalo, kaya si Dennis Trillo ang napili nilang gumanap na idinirek ni Joel Lamangan ang biopic. (VIR GONZALES)

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

HEART EVANGELISTA

JOEL LAMANGAN

KA FELIX MANALO

KRIS AQUINO

LOVI

LOVI POE

ROCCO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with