Alam kaya ni Sarah?! Matteo at Shaina nag-e-enjoy na magkasama
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - August 29, 2015 - 10:00am

Ang ganda kapwa ng pag-evolve nina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli bilang actors.

For the first time, the two are together in The Philippine STAR’s and Cinema One’s first Pinoy cable mini-series, Single/Single.

Very relevant at relatable ang theme ng series, as it tells of two young people na dahil parehong gustong makatipid ay pumayag na maging roommates, kahit hindi sila magkakilala.

No need to tell you of course kung ano ang magiging ending ng series na directed by Pepe Diokno. Ganunpaman, ang dapat abangan ay ang naka­katuwa at nakakainis at kung anu-ano pa habang nagtatagal ang pagsa­sama nila sa apat na sulok ng room na kanilang inuupahan.

The cast of Single/Single also include Cherie Gil, Anna Luna, Mara Lopez at Liza Diño na Mrs. ni Aiza Seguerra sa tunay na buhay.

Vina at Richard hindi nauubusan ng mga pagkakapareha

Bukod sa pagiging parehong Cebuano, may something in common pa sina Vina Morales at Richard Yap na posibleng madalas nilang i-discuss, habang naghihintay sila for their next scene sa kanilang first series together, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?

This Monday, mapapanood ang mga unang eksena together nina Richard at Vina. Papel ng dalawang magkababata na close as can be ang ginagampanan ng dalawa.

Nagkahiwalay sila at nang magkita silang muli, may malalaking anak na at hiwalay na sa asawa (ginagampanan ni Christian Vasquez) si Vina.

Sa mga unang eksena ni Richard, hindi pa ini-reveal kung ano na ang estado sa buhay ni Richard  personally and professionally.

Another thing, Vina and Richard have in common personally, they are both business minded. Nasa beauty salon business si Vina. Kanya ang Ystilo na maraming branches sa Metro Manila.

Si Richard naman ay owner ng ilang restaurants, kabilang na ang Wangfu sa Morato Street, sa Quezon City.

Bailey, Ylona, Jimboy, at Franco salamin ng kabataan ngayon

Siguradong hindi ninyo maka­kali­mu­tan ang panonood ng Gandang Gabi Vice mamayang gabi.

Kabilang sa mga special guest ni Vice ang apat na teenage finalists ng Pi­noy Big Brother (PBB) 737, sina Bailey May, Ylona Garcia, Jimboy Martin, at Franco Rodriguez.

Ang gandang pakinggan ng apat habang ini-interview sila. The four best represent today’s generation of teenagers.

Bale ba, magkakaiba ang kanilang background, since laking abroad sina Bailey at Ylona, having been both born in the United Kingdom and Australia, respectively.

Tubong probinsya naman sina Jimboy at Franco. Jimboy is from Nueva Ecija. La­king Albay province naman si Franco.

Paul at Francis sumabay sa aktingan nina Sunshine at William

The problem with little boys is that they grow up. And fast ha. Nagulat kami in last nights episode of Maalaala Mo Kaya (MMK), kapwa na teenagers ang dating ng mga child actors na sina Paul Salas at Francis Magundayao.

Both good-looking, they are good actors too.

Hindi sila pareho nagpahuli sa galing sa pag-arte nina Sunshine Cruz at William Lorenzo, na gumanap bilang kanilang mga magulang sa nabanggit na episode.

Also in the cast of the MMK episode is Raquel Montesa, na ang tagal ng di naming napapanood both on this small and big screen.

ACIRC AIZA SEGUERRA ANG ANNA LUNA BAILEY MAY BIG BROTHER CHERIE GIL CHRISTIAN VASQUEZ CINEMA ONE FRANCIS MAGUNDAYAO JIMBOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with