AiAi at Vic tatapusin muna ang buwan ng mga multo bago magtrabaho!
Jun Nardo (Pang-masa) - August 27, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines -  Tatapusin muna ang tinatawag na “ghost” month ngayong buwang ito bago mag-shooting sina Vic Sotto at AiAi de las Alas ng kanilang festival entry. Sa pagkaalam namin, sa September 18 ang start ng shooting ng romantic-comedy film na ididirek ni Joey Reyes.

Tulad ng mga unang napabalita, kasama na sa cast ng movie sina Alden Richards at Yaya Dub.  Kaya naman bago magsimula ang shooting ng AlDub ay magkikita na sila sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Aprubado nga nang marami ang pagsali sa cast ng Al-Dub sa Ai-Vic entry. Magandang preparasyon ‘yon para sa gagawin solo movie nila next year.

Annabelle may pinagdaraanan!

Namamaga na parang galing sa pag-iyak si Tita Annabelle Rama nang pumasyal sa Wednesday Club. Eh, kataka-takang tahimik lang siya at hindi ‘yung usual self gaya ng nakaraang pakikipagchikahan niya sa grupo.

 “Okey lang ako. Hindi ako umiyak, ‘no?” sey niya sa grupo.

Eh, kapag nasa Wednesday Club si Tita A,  at home na at home siya. Kung minsan nga, nagagawa niyang iwan si Tito Eddie Gutierrez para lang makasama ang grupo, huh!

Baka naman kasi natuklasan niyang may bagong babae si Tito Ed?

 “Wala, huh! Hindi mangyayari ‘yon! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Staff ng isang show nagmalasado!

Sinipa na raw ang isang staff ng show dahil sa kamalasaduhang ginawa niya. Eh, sobrang laki na nga ng budget na hiningi sa producers, pangit pa ang resulta ng trabaho niya!

Nanghihinayang siyempre ‘yung ibang involved sa show dahil mabait pa naman ang producer. ‘Yun nga lang, may mga tao talaga sa showbiz na mapagsamantala sa pagiging generous ng ibang tao, huh!

Eh, handa pa namang gumastos ang producer para sa ikagaganda ng show. Wala itong keber sa pagbayad ng malaking halaga para sa nagtatrabaho sa show.

Dahil sa nangyari, wish ng mga taong nabigyan ng post dated checks ng producer ay hindi niya  ito pa-stop payment at huwag mapaso sa pagpu-produce muli!

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ANNABELLE RAMA EAT BULAGA EDDIE GUTIERREZ JOEY REYES STRONG TITA A TITO ED WEDNESDAY CLUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with