^

Hindi nawawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos... Singer na si Joey Albert nakikipaglaban uli sa cancer, ikatlong pagkakataon na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 26, 2015 - 10:00am

Sa ikatlong pagkakataon ay nakikipaglaban na naman ang singer na si Joey Albert sa sakit na colon cancer.

Unang na-diagnose si Joey with cervical cancer noong 1995. Naging cancer survivor siya.

Noong 2003 ay na-diagnose naman siyang may colon cancer at muli niyang na-survive ito sa pamamagitan ng operasyon in 2013.

Nitong January 2015 ay muling bumalik ang naturang cancer at inoperahan siya noong nakaraang Marso lamang.

Sa kanyang Facebook account, sine-share ni Joey ang kanyang mga pinagdaraanan pero hindi siya nawawalan ng pag-asang gagaling siya at hindi nawawala ang tiwala niya sa Panginoon.

“Time is the most important thing in life, not money, not career… nothing, time talaga.

“Scared and disappointed because I really thought that the last time was the last na.

“And I do get scared still if you really think about the longevity of your life here, the realization you’re not as strong as you think you are.

“But I do try to keep positive, because I feel it’s really the best medicine.

“I think if I lend myself to all this fear, I’ll slip.

“I share my battle, my journey with people, first of all, I need prayers and I’m not gonna pretend I don’t need help, because I do.

“And the other thing also, I feel that if I share my journey, there might be other people going through the same thing and I might be able to inspire, para naman may purpose ang pagkasakit ko.”

Ken Chan damang-dama na ang pagiging transwoman

Masuwerte ang baguhang si Ken Chan dahil nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa bagong aabangan na teleserye sa GMA-7 na may titulong Destiny Rose.

Gaganap si Ken bilang isang transwoman.

Sa kuwento ni Ken ay hindi niya inasahan na siya ang pipiliin para sa naturang teleserye dahil marami raw siyang nakasabay noong mag-audition siya.

“Actually, hindi ko po alam na audition na pala iyon.

“Pinag-makeup kami tapos pinag­lakad. Pinaarte rin po kami. Tapos pinaiyak.

“After no’n sinabi sa akin na ako na raw ang napili nila para sa Destiny Rose.

“Hindi ako makapaniwala na magbibida na ako,” sabay ngiti niya.

Mabilis ngang pinaghandaan na ni Ken ang kanyang pagbibidahan na role. Nagpapayat pa raw siya at noong mag-look test sila, nilagay na niya sa kanyang isipan ang pagiging isang transwoman.

“Lahat po inaral ko kung paano kumilos at magsalita ang isang transwoman.

“Kailangan ipakita ko na hindi sila nagkamali sa pagpili sa akin. Talagang dibdiban na itong pagganap ko bilang si Destiny Rose,” diin pa niya.

Makakasama ni Ken sa naturang teleserye ay sina Katrina Halili, Sheen Halili at Manilyn Reynes na sobra ang suporta sa kanya.

Magiging love interest naman ni Ken ay ang Brazilian-Japanese model na si Fabio Ide.

Unang nakilala si Ken Chan sa Walang Tulugan with the Master Showman. Lumabas na siya sa iba’t-ibang show ng GMA tulad ng Tween Hearts, Time of My Life, Biritera, Yesterday’s Bride, Home Sweet Home, Genesis, Rhodora X at Healing Hearts.

Hollywood couple na sina Emma Roberts at Evan Peters nagkabalikan!

Mukhang nagbalikan na ulit ang dating magkarelasyon na sina Emma Roberts at Evan Peters.

Naghiwalay two months ago ang dalawa pero kelan lang ay nakita silang nagdi-dinner sa Izakaya restaurant sa West Hollywood.

Huling nagsama ang dalawa sa series na American Horror Story: Freak Show bago sila nag-break.

Wala sa dalawa ang nagkuwento sa naging dahilan ng break-up nila.

“Their three years together just ran its course. They have so many great memories together but couldn’t make it work in the end.

“The breakup was amicable. There was no drama whatsoever. Emma and Evan are even still friends!

“They grew apart. They both had a lot of growing to do, and it was better that they do it on their own,” ayon pa sa People magazine.

Nakilala ni Evan ang pamangkin ni Julia Roberts na si Emma noong gawin nila ang isang indie film titled Adult World in 2012.

Noong Christmas 2013 ay na-engaged ang dalawa.

Pareho silang paborito ng series creator na si Ryan Murphy. Nasa series na American Horror Story: Hotel si Evan samantalang nasa black comedy series na Scream Queens si Emma.

ACIRC ADULT WORLD AMERICAN HORROR STORY ANG BUT I DESTINY ROSE EMMA ROBERTS EVAN PETERS KEN KEN CHAN SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with