Regine ngayon lang masusubukang maging judge!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 26, 2015 - 10:00am

Buo na ang mga judges sa nalalapit na presentation ng original artista reality search na StarStruck 6 ng GMA-7. Nag-plug shoot and pictorial na sina Joey de Leon, Jennylyn Mercado at si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid. Sa interview kay Regine ng 24 Oras sa pictorial noong Martes, August 25, first time niya iyon na magiging judge ng contest para sa mga bagong tuklas ng Kapuso Network.

“Ngayon lamang ako magiging official judge ng StarStruck, sabi ni Regine.

“Nakita ko na ang 35 hopefuls ng contest, ang babata pa nila, ang guguwapo at magaganda. Ang aalamin na lamang namin kung paano sila magpi-perform kapag nagsimula na ang contest.”

Hindi naman ito magiging sagabal sa nalalapit na 4-night concert niya, ang Regine At The Theater sa Solaire Theatre in Pasay City sa November 6, 7, 20 at 21.

Pagkatapos ng pictorial, natanong si Regine tungkol sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza at sinabi niyang fan din sila ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.

“Aliw kami ni Nate manood ng Eat Bulaga, tutok ang anak ko. Siya nga ang nagkuwento sa akin nang lumabas daw na naglalakad si Yaya Dub.  Sabi ni Nate, “lumakad siya sa labas at sumakay sa jeep, tapos humawak lang siya dahil puno na ang jeep.” Nakakatuwa dahil ginulo ng AlDub ang buong sambayanan.  Ang guwapo naman ni Alden, mabait siya at kilala ko siya dahil matagal din kaming nagkasama sa Sunday All Stars at magkasama kami sa pagho-host ng Bet Ng Bayan, ang sipag niyang magtrabaho, walang reklamo kaya ngayon very successful na siya.

“Natutuwa ako kay Maine (pareho silang Bulakeña, dahil taga-Guiguinto, Bulacan si Regine, si Maine naman, taga-Sta. Maria, Bulacan).  Maganda si Maine, pinapapangit lamang niya ang sarili niya sa pagda-dubsmash dahil iyon ang character niya sa KalyeSerye.

“May payo lamang ako sa kanilang dalawa: “walang susuko, kapag tunay ang pag-ibig, mangyayari iyan.”

Samantala, si Alden Richards lamang ang ipinakita kahapon sa KalyeSerye ng Eat Bulaga nang dumating siya sa Bicol at namili ng mga ibinilin na pasalubong ni Lola Nidora (Wally Bayola) na pili nuts candies. Na-miss naman ng televiewers si Yaya Dub na ipinakita lamang na nagda-dubshmash ng mga golden rules ni Lola Nidora tungkol sa pag-ibigan nina Alden at Yaya Dub.  Nagpakita rin ng fan signs si Alden para kay Yaya Dub.

Ngayong Thursday ay 5th weeksary nina Alden at Yaya Dub, si Alden ay nasa Bicol pa rin. Kagabi ay nag-host siya ng Mutya ng Jovellar 2015 sa Jovellar, Albay.  Bukas ay special guest naman si Alden sa Mutya ng Ibalong 2015 sa Legaspi City, mga host naman sina Tom Rodriguez at Bea Binene, sa invitation ni Governor Joey Salceda.

ACIRC ALDEN ALDEN RICHARDS ANG BEA BINENE EAT BULAGA LOLA NIDORA NATE NBSP SIYA YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with