Mahusay na aktres nagbunga ang mga sikretong biyahe sa Amerika, nakapasa sa audition!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 26, 2015 - 10:00am

Nakapasa sa audition ang mahusay na aktres kaya contract star na siya ng isang talent agency sa Amerika.

Naghihintay na lamang ang aktres ng phone call mula sa talent agency na naghahanap sa Amerika ng mga possible movie at TV projects para sa kanya.

Pursigidung-pursigido ang aktres na matupad ang dream niya na maging international star.

Madalas na umaalis ng bansa ang aktres para mag-audition sa mga talent agency sa US pero lihim na lihim ang kanyang mga biyahe para hindi mapurnada ang career plans niya. In fairness, nagbunga ng maganda ang kanyang mga secret trip sa Amerika.

Alden dapat samantalahin ang kasikatan

Nagsimula nang mag-recording si Alden Richards para sa debut album niya sa GMA Records.

Dapat madaliin ang recording ng album ni Alden habang mainit na mainit ang loveteam nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Marami na ang naghihintay sa album ni Alden na nabawasan na ang oras para sa sarili mula nang sumikat ang tandem nila ni Yaya Dub.

Yaya Dub pinatunayan ang pagiging Dubsmash Queen

Naalaala ng publiko na si Yaya Dub ang Dubsmash Queen nang ilabas niya ang video ng Lola Nidora Dubsmash.

Pinatunayan ni Yaya Dub na walang tatalo sa kanya sa Dubsmash dahil saktung-sakto ang pagbuka ng bibig niya sa mga dialogue ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

Mabilis na pumalo sa isang milyon ang hits ng Lola Nidora dubsmash nang i-post ito ni Yaya Dub sa kanyang Youtube channel.

Wala kahapon si Yaya Dub sa Eat Bulaga pero ipinakita naman sa show ang edited version ng kanyang Lola Nidora dubsmash.

NBI puspusan ang ginagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Ozu Ong

Nagkaroon ng re-enactment kahapon ang NBI agents sa lugar na pinangyarihan ng pagpatay sa Masculados Dos member na si Ozu Ong.

Ang nangyari na re-enactment ang pruweba na patuloy ang pag-iimbestiga ng NBI sa kaso ng pagpaslang kay Ong.

Umaasa ang naulilang pamilya ni Ong na mahuhuli ang mga kriminal at mabibigyan ng hustisya ang bayolente na pagpatay sa biktima.

Sinaluduhan si Angelica Kristoffer matagal nang gustong pagmumurahin ang bashers!

Nakisawsaw si Kristoffer Martin sa isyu ng pagmumura at pagtataray ni Angelica Panganiban laban sa mga tao na pinaglalaruan at inookray ang mga artista.

Hindi napigilan ng Kapuso actor ang mag-comment ng “‘Yung matagal nang gustong gawin ng mga artista sa mga nyepal na bashers ginawa ni Ms. Angelica P. Saludo madam!”

Wala yatang nagsabi kay Kristoffer na “na-hacked” ang Instagram account ni Angelica kaya hindi ito ang may kagagawan ng pagmumura at pagtataray sa mga basher na pinag-aaway sila ni Bea Alonzo.

Hindi mortal sin na makiayon sa kapwa artista pero mag-research muna bago mag-react para hindi napapahiya. Iwasan na maging biktima rin ng mga maling impormasyon sa social media ‘ha?

Mama Vi, nananatiling ‘secret’ ang mga social media accounts!

May social media accounts si Batangas Governor Vilma Santos-Recto pero secret.

Kahit anong pilit ng mga reporter, ayaw sabihin ni Mama Vi ang name na gina­gamit niya sa kanyang mga social media account.

Kung ako man ang nasa posisyon ni Mama Vi, ganoon din ang gagawin ko ‘no!  Ayokong matulad sa ibang mga artista na active sa social media kaya napaglalaruan sila ng kanilang mga basher. Wala silang kalaban-laban dahil ipipilit ng mga basher at hater ang kanilang mga mali at baluktot na paniniwala at katwiran!

ACIRC AMERIKA ANG DUBSMASH QUEEN EAT BULAGA LOLA NIDORA MAMA VI MGA OZU ONG STRONG YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with