^

Pang Movies

Ibang level na talaga! Mark big bosses ng TV5 ang ninong at ninang

Lolit Solis - Pang-masa

Natuloy ang binyag kahapon sa young actor na si Mark Neumann sa Our of Lady of Hope Parish Church sa Pag-asa, Quezon City.

Naging memorable ang pagbibinyag kay Mark dahil kahapon din ang kanyang 21st birthday. Ninang si Gelli de Belen at ninong si Ogie Alcasid, pati na ang ibang mga executive ng TV5, sa binyag sa lead actor ng B­aker King na extended hanggang sa susunod na buwan.

Alden umapir sa pilot telecast ng Juan Tamad

Hindi busy kahapon si Sef Cadayona kaya aligaga siya sa pagpapaalaala sa lahat tungkol sa pilot telecast ng Juan Tamad, ang comedy show ng GMA 7 na pinagbibidahan niya.

Nagbunga naman ng maganda ang reminder ni Juan dahil marami ang nanood ng Juan Tamad na nagulat dahil may eksena si Alden Richards bilang Jose Rizal.

Ang News & Current Affairs ng GMA 7 ang produ ng Juan Tamad at sila rin ang producer ng Ilustrado, ang teleserye tungkol sa buhay ni Jose Rizal na isang buwan na napanood noong 2014 sa Kapuso Network kaya nagamit ang footage ng Ilustrado sa show ni Sef.

Max walang magawa, panay ang tweet sa fans

Hindi nag-iisa si Sef Cadayona dahil karamay nito si Max Collins, ang leading lady niya sa Juan Tamad.

Wala rin yatang ginagawa kahapon si Max kaya super tweet siya tungkol sa bawat eksena nila ni Sef.

Talagang libreng-libre kahapon si Max dahil sinasagot niya ang lahat ng mga tweet sa kanya ng mga nag-abang at nanood ng Juan Tamad.

Yaya Dub limitado pa rin ang pananalita

Ang interbyu noon ng Kapuso Mo, Jessica Soho kay Maine Mendoza aka Yaya Dub ang first and last time na narinig ang kanyang boses.

Mula nang sumikat ang Yaya Dub character niya sa Eat Bulaga, hindi na ipinapainterbyu si Maine at limitado na rin ang kanyang TV appea­rances.

For the meantime, exclusive lang sa Eat Bulaga ang television exposure ni Yaya Dub at hindi na muna maririnig ang kanyang boses.

Puro dubsmash ang dialogue ni Yaya Dub sa Eat Bulaga na effective naman dahil kinikilig pa rin ang mga tao sa sagutan nila ni Alden sa pamamagitan ng lyrics ng iba’t-ibang kanta.

Aktres na-expire na ang collagen na itinurok sa mukha

Natunaw na yata ang collagen sa mukha ng isang aktres kaya bumalik na ang kanyang normal na hitsura.

Dating maganda ang mukha ng aktres na nag-win noon sa isang beauty contest pero nagbago ang kanyang face value buhat nang magpaturok siya ng collagen sa mukha.

Hindi maganda ang epekto ng collagen sa face ng aktres dahil bukod sa umalsa ito, nawala ang kanyang natural beauty.

Sa pagkakaintindi ko, may expiration ang bisa ng collagen na itinuturok sa mukha dahil nang mapanood ko ang aktres sa isang bagong television show, bumalik na ang kanyang normal na ganda. Hindi na banat na banat ang mukha niya at hindi na siya nakakatakot tingnan.

Wish ko lang, huwag nang ulitin ng aktres ang experiment sa kanyang mukha dahil baka tuluyan nang magtampo ang kagandahan niya at matulad siya sa female singer na badly-damaged ang face na bunga ng madalas na pagpaparetoke.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG NEWS

DAHIL

EAT BULAGA

JOSE RIZAL

JUAN TAMAD

KANYANG

SEF

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with