^

Pang Movies

Kasal nina Yaya Dub at Jose peke!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Inilihim ng mga host ng Eat Bulaga kahapon kung saan gagawin ang wedding nina YaKie (Maine Mendoza aka Yaya Dub at Frankie (Jose Manalo), pero during the sugod-bahay ng Juan For All, All For Juan segment, nadulas si Bossing Vic Sotto nang sinabi niyang ang pinakamalapit na branch ng Puregold (isa sa mga sponsors ng show) ay matatagpuan sa Binangonan, Ri­zal.  Nag-report din sa DZBB si Arnold Cla­vio na tumigil na ang mga nagtatrabaho sa lugar para manood ng YaKie wedding.  Ipinakita ang venue ng wedding at siniguro na hindi na hihimatayin si Yaya Dub dahil sa init dahil air-conditioned na ito kaya si­guradong malamig ang lugar.

Sosyal ang venue at wedding singer pa si Jay Durias.  Maraming umiyak sa audience na nakisabay sa totoong pag-iyak nina Alden at Yaya Dub na may mga kasamang doctor na may dalang oxygen tank.  Nagsisimula pa lamang ang KalyeSerye pero nag-number one trending na ang #ALDUBAgainstAllOdds sa nationwide and worldwide sa Twitter.

Nagbunyi ang sambayanan nang hulihin ang pastor ng mga pulis dahil peke raw at pinaghahanap na ng batas, kaya hindi totoo ang kasal.  Bago nag-2:30 p.m., sinabi ng doctor ni Lola Nidora (Wally Bayola) na wala siyang sakit at siya lahat ang nagplano para lamang may maibayad siya sa kumuha ng diary at masabi na ang totoo kung bakit ayaw niya kay Yaya si Alden.  Nag-iwan ng magandang araw si Lola Nidora na hindi nabibili ng pera ang pag-ibig kahit anong yaman ng isang tao.  Sabi ni Alden, “So, tuloy ang forever!”

Sef crush si Max

Nalungkot si Sef Cadayona nang iwanan niya ang Vampire Ang Daddy Ko dahil binigyan na siya ng sariling show ng GMA News & Public Affairs, ang folktale na Juan Tamad na kilala ng viewers lalo na ng mga batang mahilig manood ng mga ganitong shows.  Hindi in-expect ni Sef na may ganoong pagpapahalaga sa kanya ang network at labis-labis din ang pasasalamat niya na nakasama niya ang itinuturing niyang poste ngayon sa pagpapatawa na sina Bossing Vic Sotto at Michael V.  Humingi ba siya ng advice sa kanilang dalawa?

“Hindi po naman, humingi lamang ako ng blessing sa kanila at masaya sila sa bagong pangyayari sa buhay ko,” natatawang sabi ni Sef.

“Pero labis po talaga ang pasasalamat ko sa kanila dahil marami akong natutunan sa kanila.  Ayaw ko pong sabihing ginaya ko sila pero ang mga nakita ko sa kanila, pinagsama-sama ko sa mga eksenang ginawa ko.  Sa Juan Tamad, marami po kaming ibabahaging mga moral values hindi lamang sa mga bata, sa mga matatanda rin.  Katambal ko rito si Max Collins na first choice namin dahil bagay sa kanya ang role ng magandang si Marie Guiguinto na crush ni Juan.”

Mamaya nang 4:45 p.m. ang pilot episode ng Juan Tamad na ang unang ipakikita ay ang paghihintay ng nakahigang si Juan na mahulog sa kanyang bibig ang bayabas.

Maraming nakatutuwang eksena mula sa direksyon ni Soxy Topacio mula sa story ng Carlos Palanca Hall of Famer na si Rody de Vera at Rak of Aegis writer na si Liza Magtoto.

ACIRC

ALL FOR JUAN

ANG

ARNOLD CLA

BOSSING VIC SOTTO

JUAN TAMAD

LOLA NIDORA

MGA

NBSP

SEF

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with