Huhusgahan kung papatok sa may bayad AlDub pasok na sa pelikula nina AiAi at Bossing!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 22, 2015 - 10:00am

Kagaya ng sinabi na namin, tiyak na hindi nila palalampasin ang kasikatan ng AlDub (Alden Richard-Yaya Dub) at isasama nila iyan sa pelikula. Ngayon si AiAi delas Alas pa mismo, sa pamamagitan ng kanyang social media account ang nagbigay ng kumpirmasyong kasama na nga nila ni Vic Sotto sa kanilang film festival movie ang AlDub.

Kung sigurado na nga iyan, walang dudang ang pelikula na nila ang tatanghaling top grosser sa festival. Pareho na rin namang nakagawa ng record sa takilya sina Vic Sotto at AiAi. May panahong ang pelikula nilang dalawa ang naglalaban sa top grosser ng festival. Noong una silang magsama ay nakagawa sila ng isang malaking box office record, kaya nga lang may nakalampas na sa record na iyon.

Ilang magkakasunod na taon din namang hindi nasasabing top grosser ang pelikula ni Vic Sotto, bagama’t kabilang pa rin iyon sa may pinaka-malalaking kinita. Sinasabi nilang ang pagsasamang muli nina Vic at AiAi ay isang attempt para makapag-rehistro pa ng mas malaking box office record na posible naman. Ngayon isinasama pa nila ang AlDub sa pelikula, at sinasabi ng mga observer na iyan na nga ang kanilang “insurance” na sila ang top grosser sa festival.

Tiyak din na llamado na sila sa promo pa lang, dahil nakikita naman natin kung papaanong mag-trending sa social media ang AlDub kahit na nga pakaway-kaway lang ang ginagawa nila sa telebisyon. Kung gagawa na sila ng pelikula, hindi malayong mas matindi pa ang mangyari. Ngayon din malalaman natin kung maita-translate nila ang kanilang popularidad sa malaking kita sa takilya ng gagawin nilang pelikula.

Walang nakasisiguro, kasi iba iyong napapanood mo nang libre sa TV, at iba naman iyong kailangan kang magbayad ng mahigit na dalawandaang piso para mapanood sila sa sinehan. Pero may isa pang factor na sinasabi nila.

Luis hindi kayang talikuran ang showbiz

“Hindi ko pinakikialaman ang mga desisyon ni Lucky pero ang tingin ko sa anak ko hindi pa siya handang pumasok sa pulitika, at sinabi ko sa kanya iyan,” pagkukuwento pa sa amin ni Ate Vi.

“Bata pa naman siya, at saka ang ganda ng takbo ng career niya eh. Malaki ang kinikita niya sa shows niya, at maski na sa endorsements niya. Hindi niya kikitain iyan kahit na anong posisyon pa ang pasukan niya. Iyong pagpasok sa pulitika, hindi mo iyayaman iyan. Malaking sakripisyo iyan, and I know my son will not allow himself to be involved in anything na hindi maganda. Kaya sinabihan ko rin siya, baka hindi pa siya handa, and he understood naman what I mean,” dugtong pa ng gobernadora.

Sinabi rin naman niyang totoong ang palagay niya, nasa tamang edad na rin naman si Luis kung gusto na niya magkaroon ng pamilya.

“Iyon ang sa palagay ko ay kaya na niya. Sa palagay ko rin naman maayos naman ang relasyon nila ni Angel. Alam naman nila pareho na ok sa akin ano man ang ma­ging desisyon nila. Sa bagay na iyan, hindi ako nag-aalala, kasi alam ko kung gaano ka-responsible ang anak ko, at alam kong kung lalagay na siya sa tahimik ay kayang-kaya na niya,” sabi pa ni Ate Vi.

ACIRC ALDEN RICHARD-YAYA DUB ANG ATE VI HINDI IYAN NAMAN NGAYON NILA NIYA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with