Paulo walang panahon sa babae
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - August 21, 2015 - 10:00am

Aktor na walang pahinga.

Iyan obviously ang tamang description for Paulo Avelino, who has just completed the series, Bridges of Love, with Jericho Rosales, Maja Salvador, Carmina Villaroel, and Edu Manzano.

Tinatapos ni Paulo sa kasalukuyan ang horror adventure film, na Resureksyon, with Jasmine Curtis Smith and Isabelle Daza.

He is also doing a musical movie, adopted from a stageplay written by Nick Joaquin.

Obviously, ito ang dahilan kung bakit walang nababalitaan na nanliligaw si Paulo.

Tanong tuloy ng marami: “Happy kaya si Paulo Avelino?”

Kamille at Kenzo ramdam ang paglaho ng spark paglabas ng bahay ni Kuya 

At the recent guesting sa Aquino & Abunda Tonight ng former Pinoy Big Brother (PBB) 737 teenage residents na sina Kamille Filoteo at Kenzo Gutierrez, wala na ang kilig na dati’y nararamdaman ng dalawa noong nasa loob pa sila ng bahay ni Kuya. Obvious na nagising na sa katotohanan ang isa sa kanila na ‘di tunay na pagtingin o pag-ibig  ang naramdaman nila noong nasa apat na sulok lang sila ng PBB House.

Kamille said, she has formally broke off na sa tatay ng kanyang anak na babae na si Justin.

Coco wala nang interes ligawan si Maja?!

Will Coco Martin eventually make ligaw to Maja Salvador, one of his two leading ladies sa Ang Pro­binsyano? The other star na katambal niya ay si Bela Padilla.

Balita kasi na in 2011 nang gawin nilang dalawa ang series na Minsan Lang Kitang Iibigin, nagpaha­ging si Coco kay Maja. At the time, however, boyfriend ni Maja si Matteo Guidicelli.

This day though, pareho na silang walang commitment. Pero katwiran ng dalawa, higit silang committed ngayon sa kani-kanilang trabaho.

Bukod kina Maja, Coco, at Bela, Ang Probinsyano, ang adaptation of a movie ni Fernando Poe, Jr., also stars Susan Roces, Agot Isidro, Arjo Atayde, and Albert Martinez.

Pero iniisip na umalis lang at babalik din Albert naaalala pa rin si Liezel

Speaking of Albert, busy as a bee siya since bukod sa Ang Probinsiyano ay may isa pa siyang series na ginagawa also for the Kapamilya, ang All of Me, with JM De Guzman and Yen Santos.

Matatandaan na si Albert sana ang gaganap na matandang Felix Manalo sa tinagurian ngayong epic movie, Felix Manalo, produced by the Iglesia Ni Cristo (INC) and Viva Films.

Unfortunately, on his supposed first day shooting for the movie, he had to rush back to Manila from Laguna, dahil lumubha ang sakit ng asawa nitong si Liezel Martinez.

Eventually, Albert totally begged off from the project. Dennis Trillo has replaced Albert in the INC project.

Asked now, how he feels about Liezel, sabi niya; “Sumasagi pa rin siya sa aking alaala at madalas labis ko itong kinalulungkot”.

“To appease my feeling, iniisip ko na lang umalis lang siya at babalik.

“Kung naisip ko naman na hindi na siya babalik, that’s another sad story,”  malungkot na sinabi ni Albert.

ABUNDA TONIGHT ACIRC AGOT ISIDRO ALBERT ALBERT MARTINEZ ANG FELIX MANALO MAJA MAJA SALVADOR PAULO AVELINO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with