Dawn ibinuko ang panlolokong ginawa ni Goma!
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 20, 2015 - 10:00am

Masaya ang guesting nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa Gandang Gabi Vice noong Linggo kung saan nagawan ng paraan ng TV host na tanungin kung bakit nagkahiwalay sina Dawn at Goma noon.

Sinundot pa ng tanong ni Vice kung niloko ba ni Goma si Dawn kahit na napakaganda na ng aktres. Sagot naman agad ng aktor na siya’y marupok at hindi naman niya mahindian ang mga lumalapit sa kanya.

Idinagdag pa ni Goma na kanya nang kinalimutan kung sinu-sino ang dahilan ng hiwalayan nila ng aktres.

Sinabi naman ni Dawn na tinanong niya si Goma noon pero tinanggi ito ng aktor.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang The Love Affair ng Star Cinema na tumatabo ngayon sa takilya. Mahigit isang linggo na itong ipinalalabas sa mga sinehan.

Sex video ni Wally biglang nabura kay Lola Nidora

Kahit mga artista natin ay gustung-gusto na magkita ang paborito nilang magka-love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. May nagsabi pa na sana’y magkita silang dalawa at ma­tuldukan na ang relasyon nila.

Phenomenal ang pagsikat ni Yaya Dub at kahit saan kami magpunta ay siya ang itinatanong.

Sana’y mapagbigyan ni Yaya Dub ang kahilingan ng Ginebra San Miguel fans na tanggapin nito ang paanyayang maging muse ng kanilang koponan sa Barangay Ginebra basketball team sa opening ng bagong season ng PBA (Philippine Basketball Association).

Nakabawi na rin si Wally Bayola na kahit nagkaroon ng sex video scandal ilang taon na ang nakakaraan, ngayon bilang Lola Nidora ay lalo pa yata siya sumikat.

ALDEN RICHARDS ANG BARANGAY GINEBRA DAWN ZULUETA GANDANG GABI VICE GINEBRA SAN MIGUEL GOMA LOLA NIDORA LOVE AFFAIR STRONG YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with