Mga tao hindi na interesado at umay na! Paolo Bediones binuhay ang kanyang mga sex video!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 19, 2015 - 10:00am

Napapanood na pala sa Youtube ang interview ni Mo Twister kay Paolo Bediones tungkol sa sex video nito na kumalat at pinagpistahan.

Ang sabi ng mga nakapanood sa video, halos dalawang oras ang haba ng tsikahan portion nina Paolo at Mo kaya naka-feel sila ng boredom.

Hindi na nga raw sila nagkaroon ng interes na panoorin ang kabuuan ng interbyu dahil mas marami ang mahahalagang bagay na dapat gawin at tapusin.

Wondering pa nga sila dahil nagsalita pa si Paolo tungkol sa isang eskandalo na nakakalimutan na ng madlang-bayan.

At dahil binuksan nina Mo at Paolo ang isyu, nabuhay uli ito pero negative pa rin ang mga feedback.

Naka-move on na si Paolo mula sa krisis na pinagdaanan ng kanyang personal na buhay at professional career pero forever nang mapapanood sa mga sex site sa internet ang mga sex video niya na siya rin ang may kagagawan at dapat sisihin.

Marian tiyan lang ang lumolobo!

Pinagkukumpara ang pagbubuntis nina Angelika dela Cruz at Marian Rivera.

Tumaba na kasi si Angelika sa mga eksena niya sa Healing Hearts dahil malaki na ang kanyang ipinagbubuntis samantalang ang tiyan lamang ni Marian ang lumaki pero hindi  nagbabago ang hugis ng mukha ng misis ni Dingdong Dantes.

Iba-iba talaga ang klase ng pagbubuntis. May mga babae na mabilis na lumaki ang katawan dahil sa mga sanggol na dinadala nila sa sinapupunan at may mga babae na kagaya ni Marian na parang wala lang ang pagi­ging preggy.

Dennis at Bela pinatanda!

Haharap ngayon sa entertainment press ang mga bida ng Felix Manalo, ang bio flick ni Ka Felix Manalo, ang founder at first e­xecutive minister ng Iglesia Ni Cristo.

Star-studded ang pelikula ng Viva Films pero lead actors ng Felix Manalo sina Dennis Trillo at Bela Padilla na parehong pinatanda ang mga itsura sa kanilang mga eksena noong  dekada ’60.

Hindi na malilimutan nina Dennis at Bela ang Felix Manalo dahil nabigyan sila ng malaking oportunidad na makagawa ng isang epic movie at maka­trabaho ang pinakamahuhusay na production team sa pangunguna ng Direktor na si Joel Lamangan.

Hindi madali ang gumawa ng isang period movie kaya ipinagmamalaki nina Dennis at Bela ang Felix Manalo.

Mag-asawang Glydel at Tonton umapir din sa Felix Manalo!

Nakalimutan ko na banggitin na kasali rin sa cast ng Felix Manalo si Glydel Mercado, ang loving wife ni Tonton Gutierrez na starring din sa big-budgeted movie ng Felix Manalo.

Hindi nagdalawang-isip ang mag-dyowa na magkaroon ng special participation sa pelikula dahil karangalan na makasama sila sa isang bonggang project na minsan lang matupad.

Tom itinigil na ang pagkain ng ice cream at hamburger

Nag-crash diet si Tom Rodriguez nang malaman nito na siya ang gaganap na Sergio sa MariMar.

Natawa si Tom nang ikuwento nito sa mga reporter na kumakain siya ng ice cream nang matanggap niya ang phone call mula sa kanyang manager na si Popoy Caritativo.

Napahinto ang pagkain ni Tom ng ice cream nang ibalita ni Popoy na siya ang gaganap na Sergio sa remake ng MariMar.

Bukod sa ice cream, ang hamburger na kanyang ini-endorso ang paborito ni Tom na lantakan noong mga panahon na hindi pa niya natatanggap ang MariMar.

ACIRC ANG ANGELIKA BELA PADILLA DAHIL FELIX FELIX MANALO MANALO MGA NBSP STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with