_pang-masa
^

Megan ‘nilunod’ at pinagkaisahan ng kanyang mga katrabaho sa Mari Mar

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 18, 2015 - 10:00am

Nilunod sa papuri ng mga co-stars niya sa Mari Mar si Megan Young. Iisa ang sinabi nila, wala sa kanya ang pagkilos at pagsasalita na siya ang pinakamagandang babae sa buong mundo noong 2013 nang tanghalin siyang kauna-unahang Miss World ng Pilipinas.

 “Sa pag-ahon pa lamang ni Megan sa dagat (iyon daw ang ibig sabihin ng Mari­Mar, galing sa dagat), inalis na niya ang korona niya bilang Miss World,” sabi ni Direk Dominic Zapata. “Walang inhibitions, ginawa niya kung ano ang role na dapat niyang gampanan kaya nakakatuwa na buo ang loob niyang gawin ang mga eksena, sa kabila ng init at ulan sa location.  Hindi ko pinanood ang unang Mari Mar kaya may mga naibang eksena pero ang kabuuan iyon pa ring original Mexicanovela,” dagdag ni Direk.

 “Aabutin ang role ko bilang si Lola Cruz hanggang sa magdalaga na si Mari Mar, kaya nakaeksena ko pa rin si Megan,” say naman ni Nova Villa.  “Una kong nakasama si Megan sa Kokey noong bagong lipat pa lamang siya sa ABS-CBN. Tahimik lamang siya noon, very shy, kaya nang malaman kong makakasama ko siya, sabi ko sa sarili ko, titingnan ko kung matatandaan pa niya ako, lalo na at Miss World pa siya.  Nang una kaming magkita sa set, ang lakas ng tawag niya sa akin.  Napaka-down-to-earth, nagkaroon na siya ng confidence sa sarili niya, napaka-humble, hindi na siya ang una kong nakilalang mahiyain, napakabait niya,” dagdag ni Nova.

 “Minsan pa lamang kaming nagkaeksena ni Megan,” sabi naman ni Ina Raymundo na gumaganap na tiyahin ni Mari Mar, si Brenda Aldama. “Na-excite ako nang malaman kong si Miss World ang tatarayan ko sa mga eksena.  First time ko lamang makakatrabaho si Megan pero wala siyang ereng kausap, napaka-down-to-earth, mabait siya,” ani pa ni Ina.

 “Kilala ko na noon si Megan, kaya very comfortable na kami sa isa’t isa, pero siyempre, iba ang pagganap namin sa aming mga role, siya as Mari Mar at ako si Sergio na na-in love nang todo sa kanya,” sabi ni Tom Rodriguez.  “Kaya mas lalo kaming nagkakilala rito ni Megan dahil dapat maging all out kami sa bawat eksena.  At wala akong masasabi sa kanya dahil napaka-professional niya,” dagdag naman ni Tom.

Sa Lunes na August 24, magsisimula ang Mari Mar pagkatapos ng 24 Oras.  Ayon kay Direk Dom, medyo kung saan-saan pa silang lugar nagti-taping, biro pa niya, kung saan may dagat, naroon sila.  Nakapag-shoot na sila sa Anilao, Batangas; Morong, Bataan; White Rock sa Subic, Olongapo, as far as Luna, La Union na napakalayo dahil katabi na raw ng Ilocos Sur.  Hindi pa raw nila alam kung saang location sila magtatagal.

ACIRC ANG BRENDA ALDAMA DIREK DOM DIREK DOMINIC ZAPATA MARI MAR MEGAN MISS WORLD NBSP NIYA SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with