Young actress lumipad ang datung dahil sa nanay na pakialamera
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 17, 2015 - 10:00am

Natsugi sa cast ng isang movie project ang young actress dahil nag-inarte ang nanay niya.

Maraming demands si stage mother kaya nairita ang produ na nag-decide na tanggalin sa cast ang young actress na wala pang napapatunayan sa showbiz.

Hindi kawalan sa project ang young actress dahil mas magaling na artista ang ipinalit sa kanya. Kapag napanood ng young actress ang pelikula, baka mang­hinayang siya dahil pinakawalan niya ang isang pelikula na maganda.

Megan ibang-iba na ang level

Pormal na ipinakilala kagabi ng GMA 7 si Me­gan Young bilang bagong Mari Mar. Ma­ligayang-maligaya si Megan dahil first time niya na dumalo sa isang big presscon ng teleserye na siya ang bida.

Mga supporting role ang mga dating ginagam­panan ni Megan sa mga pelikula at teleserye pero nagbago ang takbo ng buhay niya nang mag-win siya na Miss World noong 2013.

Marami na ang mga Pinay na nanalo ng mga beauty title sa mga international competition pero big deal ang tagumpay ni Megan dahil siya ang first Filipina na itinanghal na Miss World.

Mukha lang ang nakalagay sa movie poster, Dennis hindi na maabot

Hindi na maabot si Dennis Trillo dahil mukha lang niya ang nakalagay sa poster ng Felix Manalo, ang pelikula ng Viva Films na showing sa nationwide theaters sa October 7. Sure ako na magiging blockbus­ter ang Felix Manalo dahil susuportahan ito ng lahat ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Pero nilinaw ng direktor na si Joel Lamangan na puwedeng-puwede rin na panoorin ng mga miyembro ng ibang religion. Ang Felix Manalo na isa sa pinakamatagal na project niya. May fifty-seven shooting days ang Felix Manalo pero hindi magkakasunod na araw kaya inabot ng walong buwan bago natapos dahil malalaki ang lahat ng mga eksena.

Birthday ni Mother Lily ipinagdiriwang ng buong QC!

Advance happy birthday bukas, August 19, kay Mother Lily Monteverde, ang produ ng Regal Entertainment, Inc.

Kasabay ng kaarawan ni Mother Lily ang Quezon City Day kaya pa­laging holiday sa QC tuwing birthday niya.

Hindi pa sinasabi ni Mother ang mga plano niya para sa kanyang birthday. Ituloy kaya niya ang balak na magdaos ng bonggang birthday party?

Dra. Belo all out kay David Foster

Nandito sa Pilipinas si David Foster dahil sa concert niya ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tiyak na panonoorin ni Dra. Vicki Belo ang concert ni David dahil best of friends sila.

Nang dumating si David sa Manila, isang dinner ang inihanda ni Mama Vicki para sa kanya. Malapit na magkaibigan ang dala­wa at friend din ni Mama Vicki ang misis ni David na si Yolanda na hindi sumama sa Manila show ng dyo­wa niya.

Special guests ni David sa kanyang big dome concert sina Natalie Cole, Charice, at marami pang iba.

 

ACIRC ANG DAHIL DAVID FOSTER FELIX MANALO MAMA VICKI MEGAN MGA MISS WORLD MOTHER LILY NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with