Pinaghintay ng ilang oras Male TV host nag-walkout, hindi kinaya ang topak ng primadonang female celebrity!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 16, 2015 - 10:00am

Nag-walkout ang isang male TV host sa isang show dahil nabwisit ito sa sobrang tagal ng ipinaghintay niya.

Ang dahilan daw ng sobrang delay ay dahil sa isang topakin na female celebrity.

Ito lang daw ang hinihintay para rumolyo na ang taping, pero kailangan pa raw amuhin ito para magtrabaho ng maayos.

Guest sa naturang show ang male TV host na maaga pa naman ang call time.

Ipinatawag siya ng maaga dahil sa gano’ng oras lang daw puwede ang female celebrity na makakasama niya.

‘Yun nga lang, nakabihis na’t lahat ang male TV host, pero wala pa rin ang female celebrity.

Higit na apat na oras naghihintay ang male TV host noong dumating na ang female celebrity, pero hindi ito nagbihis kaagad dahil inatake na naman daw ito ng kanyang pagiging primadonna.

Hiyang-hiya ang staff ng show sa male TV host dahil ang tagal na raw nitong naghihintay, pero walang pakialam ang female celebrity dahil ayaw pa raw nitong magbihis at magpa-makeup dahil inaatake ng topak.

Nagbigay pa raw si male TV host ng isang oras para maayos ang taping or else ay aalis siya. May importanteng raket daw siyang ipinagpalit sa guesting na iyon at mababalewala lang daw ang effort niya dahil sa topaking female celebrity.

Pagkaraan ng isang oras ay ipinaayos na ni male TV host ang kanyang mga gamit at nag-walkout na siya.

Pinipigilan siya ng staff pero sobra na raw ang hi­nintay niya para lang sa pag-iinarte ng female celebrity.

Pero ipinaalala ng male TV host na kailangan ay bayaran pa rin siya dahil sa paghintay ng matagal or else ang manager niya ang makakalaban nila.

Hindi na raw kasalanan ni male TV host kung inatake ng topak ang female celebrity at ito ang naging dahilan ng sobrang delay sa trabaho nila.

Basta siya ay dumating sa taping at naghintay siya. Kaya dapat lang bayaran siya dahil inabala siya.

Zsa Zsa simpleng kasal lang ang gusto

Simpleng kasal lang daw ang gusto ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla mula sa kanyang boyfriend na si Architect Conrad Onglao.

Gusto raw ni Zsa Zsa na isang family gathering lang ang magiging ikalawang kasal niya.

“May edad na tayo, 51, ’di ba? Sa second marriage ko, ayoko na ng masyadong bongga, simple lang, I really want it simple,” diin niya.

Pero hindi pa raw nagpo-propose si Conrad sa kanya.

“Wala pa, he hasn’t formally proposed to me so hintayin natin. Wala pang definite date but next year na,” ngiti pa ni Zsa Zsa.

Mas naiinip pa raw ang mga anak niyang sina Karylle, Nicole, at Zia sa kung ano ang plano ni Conrad na pag-propose.

Dream wedding daw ni Conrad ay isang Italian wedding.

“Personally, I just want to be with my family, simpleng-simple lang. But it’s Conrad’s dream to have a wedding in Italy. Mapag-uusapan naman namin ‘yan.”

Okey din daw si Zsa Zsa sa mga anak ni Conrad sa unang asawa nito. Kaya walang magiging problema kung siya na ang tatayong bagong mother nila.

Tom Brady at Gisele Bundchen mauuwi sa hiwalayan dahil sa nanny ni Ben Affleck?!

Tahimik lang ang mag-asawang Tom Brady at Gisele Bundchen sa bali-balitang maghihiwalay na sila.

Ayon sa isang source, madalas daw ang bangayan ng dalawa. Sa isang pagtatalo nila, nag-walkout ang Brazilian supermodel dahil ayaw sagutin ni Tom ang tanong nito kung bakit suot ng nanny ni Ben Affleck, na si Christine Ouzounian, ang apat na Super Bowl rings niya?

“A report has surfaced, alleging that Brady and Gisele could be headed towards a divorce. We’re hearing that they’re bickering non-stop lately. And really the drama kind of reached a head at Tom’s birthday dinner. Allegedly, Gisele stormed out she was so angry,” ayon sa report ng Entertainment Tonight.

Kung mauuwi raw sa divorce ang dalawa, ang paghahatian nila ay ang combined fortune nila na umaabot sa $460 million.

Si Gisele ang highest-paid supermodel sa buong mundo bago ito mag-retiro sa kanyang pagiging Victoria’s Secret model. Si Tom naman ang isa sa highest-paid athlete bago ito ma-suspend dahil sa “deflate gate” case na ongoing ngayon.

Pero noong nakaraang birthday ni Tom last August 3, masayang nag-celebrate pa ang couple at nag-post pa si Gisele ng happy moments nila sa Instagram kasama ang mga anak nilang sina Vivian at Benjamin.

ACIRC ANG CONRAD DAHIL DAW HOST LANG RAW SIYA ZSA ZSA ZSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with