Kahit ‘di pa nagpapa-check up uli... Manny magaling na ang shoulder injury, handa na uling makipagbakbakan

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 13, 2015 - 10:00am

Ang boxer na si Amir Khan ang susunod na makakalaban ni Congressman Manny Pacquiao sa boxing ring. Mas gusto ng Top Rank promoter na si Bob Arum na lumaban si Papa Manny kay Khan kesa kay Floyd Mayweather Jr. na busy sa pagyayabang sa koleksyon niya ng mga expensive watch.

Tiyak na ang paghaharap ng dalawa at mang­yayari ito sa 2016. Magaling na ang shoulder injury ni Papa Manny kaya ready na siya na makipagbakbakan.

Ang pananampalataya niya sa Diyos ang sinasabi ni Papa Manny na nagpagaling sa kanyang shoulder injury dahil pakatapos ng operasyon niya noong Mayo, hindi na siya nagpa-check up sa doktor.

Nanalo sa That’s My Bae susubok din sa Starstruck

Sure ako na pamilyar sa televiewers ang isa sa mga male contestant ng Starstruck Season VI dahil winner siya sa That’s My Bae contest ng Eat Bulaga.

Hindi ko na sasabihin ang name ng contestant na tinutukoy ko pero isa siya sa mga dapat abangan sa nalalapit na pagsisimula ng reality-based artista search ng GMA-7.

Judge uli si Papa Joey de Leon at siya ang nagsabi na napakarami ng mga dapat hintayin sa bagong season ng Starstruck dahil talagang artistahin ang itsura ng male and female contestants.

Mark Herras papasukin na rin ang pagnenegosyo

Ang pag-aasikaso sa negosyo na balak niya na itayo ang pinagkakaabalahan ngayon ni Mark Herras.

Dahil mahilig siya sa damit at mga sapatos, may kinalaman sa kanyang mga paborito ang negosyo ni Mark at ng mga business partner niya.

Excited na si Mark dahil mailalabas niya ang creativity sa pagde-design ng mga sapatos at damit sa bagong business venture nila ng kanyang mga kaibigan.

LJ at Danica isang taon na pala sa ere!

Invited ako sa anniversary presscon ng Happy Wife, Happy Life.

Ang bilis ng panahon dahil sino ang mag-aakala na mag-iisang taon na pala na umeere sa TV5 tuwing umaga ang show nina LJ Moreno at Danica Sotto?

Hindi ko na isinama ang name ni Mariel Rodriguez dahil nag-babu na ito sa Happy Wife, Happy Life. Kailangan ni Mariel ng complete bed rest dahil tatlong sanggol ang ipinagbubuntis niya.

Bukod sa Happy Wife, Happy Life, napapanood din noon si Mariel sa Happy Truck ng Bayan pero dahil sa kanyang maselan na kalagayan, stop muna siya sa pagtatrabaho dahil mas mahalaga ang kalusugan niya at ng mga sanggol na ipinagbubuntis.

Arnell binalikan ang dyowang nananakit 

How true na nagkabalikan si Arnell Ignacio at ang kanyang fiancée na si Ken El Psalmer?

Ang sey ng mga tao sa paligid ni Arnell, muk­hang si Ken ang kanyang true love kaya nagkaroon ng reconciliation eklat.

Ipinapaubaya kay Arnell ng mga kaibigan niya ang announcement tungkol sa tsismis na nagkabalikan sila ng mhin na nagbigay sa kanya ng mga pasakit sa puso.

Wala nang magagawa ang mga concerned friend ni Arnell kung true ang tsismis dahil hindi naman nila maibibigay ang kaligayahan na hinahanap ng hopeless romantic na comedian.

Bayolente naman ang reaksyon ng mga nakabasa at nakapanood noon sa mga interbyu kay Arnell na naglabas ng mga sama ng loob tungkol sa nangyari sa love affair nila ni Ken.                                      

ANG ARNELL DAHIL HAPPY LIFE HAPPY WIFE MARK HERRAS MGA NBSP NIYA PAPA MANNY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with