^

Pang Movies

Erap wala pang napipiling mamanukin sa 2016

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binigyan ng oras at importansiya ni President Manila Mayor Erap Estrada ang kasabayan niya sa showbiz na senior stars nang maghandog siya ng dinner at party para sa entertainment press last Friday sa Sampaguita Gardens. In-organize ito ni Manay Ichu Vera Perez na siyang punong-abala kasama ang kapatid na si Betchay at daughter in law na si Rica Maceda.

Fabulous ang food na sinamahan pa ng mood music mula kung saan naging guest ang Viva artist na si Anja Aguilar.

Present ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama gayundin sina Atty. King and Boots Anson King.  Nagsidalo rin sina Celia Rodriguez, Liza Lorena, Daisy Romualdez, Lolie Mara, Delia Razon at Gloria Romero.

Hindi nakaligtas si Mayor Erap sa tanong kung sino kina VP Jojo Binay at Senator Grace Poe ang susuportahan niya sakaling magdesisyon ang senadora na tumakbo bilang President. Consistent ang sagot niya na depende ‘yon sa makikita niyang plataporma ng dalawa.

Pero aminado siyang mahihirapan siyang magdesisyon dahil kapwa malapit na malapit sa kanya ang dalawa. Basta ang wish niya ay pagandahin ang buhay ng masang Pilipino.

Eh sa tsismis na tatakbo sa Maynila bilang konsehal ang anak na si Jake Ejercito, sinabi niyang nag-aaral pa ang anak.

“Pero kung sakaling pasukin ang pulitika, hindi ko naman siya mapipigilan. Eh, tatay ko nga, hindi ako napigilan noon, mapipigilan ko ba ang gusto ng anak ko?” sagot ng Manila Mayor.

Sa totoo lang, nang maging Mayor ng Maynila si Erap, nawala na ang mga utang ng syudad.  Nada­rama na rin ng Manileños ang maraming pagbabago kaya naman sa muli niyang pagtakbo next year sa posisyon, hindi nakapagtatakang muli siyang maluklok, huh!

Jessica gulat na gulat sa pagka-tsugi ng American Idol

Sumaglit si Christian Bautista sa pocket interview ng American Idol runner up na si Jessica Sanchez last Friday nang dumating ng bansa.  Nagkaroon pala sila ng collaboration para sa isang duet na Two Forevers na ni-record nila sa Los Angeles.

Ang duet nila ang isa sa mapapakinggang ngayong tanghali sa premiere episode ng Sunday Pinasaya kung saan in-import ang international singing sensation para maging guest. Kakanta rin ng dalawa pang spot numbers at kinagabihan, ang intimate concert naman sa Chaos sa City of Dreams ang gagawin nila kung saan guest din si Christian.

“He’s like the sweetest guy and he’s so funny. I love working with him. He has an awesome voice. The song came out great and I’m excited to be back here and spend time with him,” pahayag ni Jessica sa bagong ka-duet.

Nang dumating si Christian, sinabi sa kanya ang pahayag ni Jessica na sweet siyang tao.

“I am a sweet guy! Ha! Ha! Ha! Yeah! I woke up at three am just to give you flowers,” sabi niya kay Jessica.

Kumusta naman si Jessica naka-duet?

“Technically, this is our third day we met or se­cond? Ahhh, the recording and today!

“Yes, she’s amazing to work with! She’s very, very professional. She knew the song. She was very cool. Now, we’re here. It was a full day but she’s here and ready for everybody and we’re really glad to have her!” sabi naman ni Christian.

Nang matanong si Sanchez kung ano ang feeling niya sa pagkakawala na sa ere ng American Idol, aminado siyang nalungkot at shocked dahil malaki ang naitulong ng talent search upang makilala siya sa buong mundo.

ACIRC

AMERICAN IDOL

ANG

ANJA AGUILAR

ANNABELLE RAMA

CELIA RODRIGUEZ

CHRISTIAN BAUTISTA

DAISY ROMUALDEZ

DELIA RAZON

EDDIE GUTIERREZ

JESSICA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with