Ayaw atupagin ang love life Willie inaasa nalang sa heater ang pagpapainit ng kanyang gabi
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - August 8, 2015 - 10:00am

Mapapanood na ang Wowowin sa pinaaga nitong oras ganap na 2:00 p.m simula ngayong araw. Ka back-to-back nito ang bagong programang Sunday Pinasaya.

Sa open forum ng presscon ng Wowowin ay iisa ang tema ng kanilang katanungan, kung kailan siya hahanap ng babaeng makakasama habang buhay. Nasa kanya na kasi ang lahat sa buhay at paano daw kung wala siyang katabi sa gabi na papawi sa kanyang kalungkutan.

Sabi ni Willie, “mayroon namang heater kapag malamig ang gabi. Mas gusto kong mag-concentrate sa TV, magbigay ng aliw sa mga tao. Gusto kong mag-enjoy silang lahat. Kahit may emptiness sa buhay I feel blessed dahil nakapagbibigay ako ng saya sa mga tao.”

Gusto ni Willie na mag-concentrate sa kanyang show kaysa atupagin ang love life. Dream nga nito na sana’y araw-araw ang palabas niya sa telebisyon at makakuha ng tatlong bagong female host na ‘yung mga bagong mukha. Pero gusto rin niyang may makasamang beki para masaya.

Mabait pero mahigpit sa kanyang mga tauhan ang TV host. Marami siyang ayaw gaya ng nakasimangot, gustong malinis ang studio lalo na ang toilet. Kahit sa bahay nito ay pinakikialaman pa rin ang sabong ginagamit sa toilet.

Binubuo ang programa ng mga laro gaya ng Bigyan ng Jacket Yan, Willie of Fortune at may pagkakataong manalo ang contestant ng 1 million pesos, bagong kotse o house and lot sa jackpot round nitong The Will To Win.

Louise nagsimula nang mag-diet

Nakausap namin si Louise delos Reyes sa presscon ng My Faithful Husband at binati namin siya dahil nadagdagan ang timbang nito.  Kaya ngayon ay nagda-diet siya. Tinanong din namin ang aktres kung okey lang na maging pangsuporta na lang siya. Nagbida na kasi ito sa Kambal Sirena.

Ayon sa aktres sa panahon ngayon mahirap mamili ng trabaho at maganda naman ang proyekto niya bilang kakampi at kapatid ni Jennylyn Mercado. Malaki ang natutunan nito sa pag-arte kay Direk Joyce Bernal gayundin sa mga bidang sina Jen at Dennis Trillo.

ANG DENNIS TRILLO DIREK JOYCE BERNAL JACKET YAN JENNYLYN MERCADO KAHIT KAMBAL SIRENA MY FAITHFUL HUSBAND SUNDAY PINASAYA WILL TO WIN WILLIE OF FORTUNE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with