^

Pang Movies

Goma ayaw payagang makipag-date ang anak na si Juliana

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Bata pa naman siya para makipag-date. She’s only 14. Mahabang panahon pa ang mayroon para niya isipin ang mga bagay na iyan. Sa ngayon dapat ang inaasikaso niya ay ang pag-aaral lang niya,” ganoon kadiretso kung sabihin ni Richard Gomez na hindi pa niya pinapayagan na makapag-date ang kanyang anak na si Juliana.

“Sa ngayon naman mukhang hindi pa rin niya naiisip iyan dahil enjoy naman siya sa kanyang buhay,” dagdag pa ni Goma.

Mukha ngang enjoy naman si Juliana dahil bukod sa kanyang pag-aaral, nagmo-model na rin naman siya at involved din sa sports. Of course, dahil nag-iisa ngang anak, enjoy siya sa atensiyon ng kanyang mga magulang. Ang maganda nga lang kina Goma at Congresswoman Lucy Torres-Gomez, kahit na sabihin mong masyado rin silang busy, lagi silang nagbibigay ng panahon sa kanilang anak.

Gusto pa nila ng isang anak, at pi­nagsisikapan nilang makabuo. Iyan ay isang bagay na nabanggit din naman ni Goma noong nagsisimula pa lang sila ni Dawn Zulueta ng promo para sa pelikula nilang The Love Affair. Sinabi ni Goma na decided sila ng asawang si Lucy na magkaroon ng isa pang anak, and they are really trying. Pero siguro nga hindi pa dumarating ang tamang panahon.

At age 14, dapat naman talaga ay may kasunod na si Juliana. Kahit na hindi naman nagpa-family planning, wala siguro sila talagang quality time kaya hindi sila nagkaroon agad ng isa pang anak. Pero hindi pa naman late. Possible pa naman iyon.

Pero lagi ngang sinasabi ni Goma kung may nagbibirong hindi magtatagal ay siguradong may maglalakas na ng loob na manligaw kay Juliana, dahil maganda naman talaga iyong bata, “iyan ang magiging sakit ng ulo ko”. Natural naman yata sa mga tatay na ayaw maligawan agad ang kanilang anak.

Jackie sumuko na kina Andre at Kobe

Kung totoo nga ang sinabi ni Jackie Forster noong isang gabi sa isang TV interview na give up na siya sa paghahabol sa kanyang dalawang anak – Andre Paras at Kobe Paras, palagay namin ay mas makabubuti talaga sa kanila.

Masyado nang maraming nasabi tungkol sa kanilang relasyong mag-iina. Marami na rin naman siyang nagawang effort para magbalik sa kanya ang kanyang mga anak, pero siguro nga happy na rin naman ang mga ito sa piling ng kanilang ama. Sa kinalalagyan siguro nila ngayon ay mas nakakakita sila ng mas magandang future, o iniisip nilang mas madali ang makisama sa kanilang stepmother kaysa magsimula na naman sila ng panibagong pakikisama sa piling ng kanilang ina at pamilya nito ngayon.

Sa ganyang sitwasyon, dapat pabayaan na ang mga bata kung saan nila gusto. After all, nasa tamang edad na rin naman ang dalawa.

Palagay namin, tama na rin naman ang ginawa ni Jackie na nasabi niyang hindi totoong basta iniwan na lang niya ang kanyang mga anak sa unang asawang si Benjie Paras. Nagkaroon talaga ng problema ang kanilang pamilya at hindi sana dapat nada­may ang mga bata. Pero ganoon na nga ang nangyari, napunta kay Benjie ang mga bata at gusto na nila roon, happy na sila.

Ang mahalaga lang ay alam nila na hindi naman sila pinabayaan ng kanilang ina. Eh si Jackie naman ay may bago na ring pamilya, mas maganda nga na manahimik na lang sila.

ACIRC

ANAK

ANG

GOMA

HINDI

JULIANA

MGA

NAMAN

PERO

SILA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with