Mikael at Andrea balik-Cambodia, pagbibigyan ang fans!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 6, 2015 - 10:00am

Umalis kahapon sina Mikael Daez at Andrea Torres para sa premiere night ng mini-series na ginawa nila sa Cambodia titled Blood In Dispute.

Bukod sa pagpo-promote ng kanilang first international project, naglaan din daw sila ng araw para personal na magpasalamat sa kanilang mga Cambodian fans.

 “I have free days and I want to use that to meet them and show my appreciation.

 “Bago ako bumalik ng Pilipinas, I want to make sure that I meet all our fans there para matuwa naman sila sa amin,” ngiti pa ni Mikael.

Hindi na mapigil ang pagsikat nila ni Andrea sa Cambodia magmula nang ipalabas ang kanilang serye na Sana Ay Ikaw Na Nga noong nakaraang taon.

Ang pagbalik nila sa Cambodia ay bahagi ng Star Tour na isasagawa ng GMA 7 kasama ang partner nito sa Cambodia na CTN Network.

Kasama pala si Mikael sa cast ng primetime teleserye na My Faithful Husband kung saan gumaganap siya bilang kalaguyo ni Jennylyn Mercado.

Mariah sinapawan ng kambal na anak sa Hollywood Walk of Fame

Inagawan ng eksena ang diva na si Mariah Carey ng kanyang anak na twins na sina Moroccan and Monroe sa naganap na pagbigay kay Mariah ng kanyang star sa Hollywood Walk of Fame noong Miyerkules.

Panay raw ang pagpapasikat ng kanyang 4-year old twins sa media na ikinatuwa naman ng marami.

Habang nagbibigay ng kanyang acceptance speech si Mariah, panay ang hatak ng kanyang anak na si Moroccan sa kanyang Yousef Aljasmi dress at tila may gustong sabihin sa kanya.

Noong pagbigyan ito ni Mariah, sinabi ni Moroccan sa mic na ‘I love you mommy’. Gano’n din ang ginawa ng kambal nitong si Monroe.

 “I better get through with this before the kids want to come up and talk again!” pagbibiro pa ni Mariah.

 “Thank you so much, really, everybody for being here … I just want to thank all the fans for coming. This is a huge honor. A childhood dream come true … before these kids take me off the stage, I guess I should move along. Thank you so much.”

Nagkaroon ng isang pre-celebration dinner si Mariah sa kanyang $30 million Airbnb estate noong Martes ng gabi. Ilan sa mga inimbitahan niya ay sina Brett Ratner, Jeff Beacher at French Montana.

Willie Binigyan ng discount

Inamin ni Willie Revillame na hindi tulad noong nasa ABS-CBN at TV5 ang kanyang show, siya ang binabayaran at kumikita pa siya ng malaki sa mga advertisers.

Pero ngayon ay siya pa itong nagbabayad bilang isang blocktimer at wala siyang kinita sa dalawang buwan na pag-ere ng Wowowin.

 “Pero natuwa naman ako nang bigyan ako ng Kapuso network ng malaking discount.

 “Kaya tuloy pa rin ang Wowowin. Despite of everything, pera lang naman ‘yan. Kikitain pa rin natin ‘yan sa ibang paraan,” ngiti pa ni Willie.

Pinaalam pa raw niya kay Johnny “Mr. M” Manahan na matatamaan ng Wowowin ang second half ng ASAP.

 “Pinaalam ko kay Mr. M ‘yan at okey naman sa kanya. Walang problema. The show must go on,” diin niya.

Kung sakali raw na hindi na ituloy ni Willie ang kanyang show, ang kanyang mga negosyo ang aasikasuhin niya tulad ng pinapatayo niyang hotel sa Tagaytay.

“Yun na siguro ang gagawin ko. Personal naman akong nakikialam sa mga business at properties natin.

 

ACIRC ANG BLOOD IN DISPUTE BRETT RATNER FRENCH MONTANA HOLLYWOOD WALK OF FAME KANYANG MARIAH MR. M NBSP WOWOWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with