Komedyanteng si Joey Paras gusto uling maging OFW
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 3, 2015 - 10:00am

Bago pala maging artista ang gay comedian na si Joey Paras, naging OFW pala muna ito.

Naging lead vocalist sa isang banda sa Indonesia si Joey. Ilang taon din daw siyang nagtrabaho sa ibang bansa hanggang sa na-disband sila.

Naging malaking tulong nga kay Joey at sa kanyang pamilya ang pagiging OFW niya noon.

“Proud akong matawag na OFW. Kasi bago ako pumasok sa showbiz, ang pagtrabaho sa ibang bansa ang naging bread and butter ko.

“Naging bread winner ako ng pamilya namin kaya nakaka-relate ako sa experiences ng mga OFW. Malungkot talaga ang malayo ka sa pamilya mo, pero kailangan magtiis.

“Noong ma-disband nga ang band namin na Cicada at nagkanya-kanya na, doon ko naisipan ang maging aktibo sa teatro. Hanggang sa maka-penetrate na ako sa TV at pelikula,” kuwento pa ni Joey.

Kung may pagkakataon daw na makapagtrabaho sa abroad si Joey, gagawin daw niya iyon.

“Alam n’yo naman na ang showbiz, hindi naman permanent ang trabaho rito. Kapag mabango ka, doon ka may trabaho.

“At least kapag may work ka abroad, sure ka sa kikitain mo.

“Sa ngayon, okey naman ang mga trabaho ko rito sa showbiz. May dalawang movies ako na gagawin kay Direk Wenn Deramas at kasama nga ako sa Sunday show ng GMA-7 na Sunday PinaSaya.”

Gaganap sa iba’t ibang babaeng characters si Joey kasama ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas at ang iba pang magagaling na comedians tulad nila Jose Manalo, Wally Bayola at Jerald Napoles.

Dennis nagpapakakuba sa trabaho para sa anak!

Hindi makapaniwala si Dennis Trillo na magwa-walong taon na ang kanyang anak na si Calix Andreas mula sa ex-girlfriend na si Carlene Aguilar.

Sa October na raw ang birthday ni Calix at hindi pa raw alam ni Dennis kung ano ang gusto ng kanyang anak.

“Paiba-iba kasi ang hilig niya. Ang mga bata naman, iba-iba ang gusto. Pero kahit ano pa ang hilingin niya sa akin, ibibigay ko naman.

Kaya lahat daw ng gawin ni Dennis ay para sa kanyang anak. Hindi raw muna niya iniisip na magkaroon ng bagong girlfriend dahil mas concern niya ay ang future ng kanyang anak.

“Worth it naman ang lahat ng pagod kasi tuwing nakikita ko si Calix at palaki siya nang palaki, doon ko nakikita na may tama pala akong ginawa sa buhay ko.

“Hiling ko naman sa anak ko na pagbutihan niya ang pag-aaral niya para ma­ging proud akong daddy kapag naka-graduate na siya,” pagmamalaki pa ni Dennis.

Sa August 10 na magsisimula ang balik-tambalan nila ni Jennylyn Mercado sa teleserye na My Faithful Husband sa GMA-7.

Iba’t ibang tao sumawsaw libing ng anak ni Whitney Houston, nabalot ng tensyon!

Isang private memorial service ang binigay sa anak nila Bobby Brown at ang yumaong si Whitney Houston na si Bobbi Kristina Brown noong nakaraang Sabado sa Atlanta, Georgia.

Ginanap ito sa St, James United Methodist Church in Alpharetta, Georgia. Ililibing ang 22-year old Houston sa Westfield, New Jersey kung saan nilibing din ang kanyang inang si Whitney.

Dinamitan  si Bobbi Kristina ng pink dress with pink roses.

Nagkaroon pa ng motorcade nang dalhin ang silver casket sa simbahan.

Dumating ang maraming kamag-anak at ilang celebrities para magpaalam kay Bobbi Kristina.

Kabilang sa mga um-attend ng memorial service ay ang actor-director-producer na si Tyler Perry at ang R&B singer na si Monica.

Hindi nga nakita ang boyfriend ni Bobbi Kristina na si Nick Gordon sa naturang memorial service.

Nagpadala raw ito ng e-mail kay Bobby Brown para sabihin na mahal nito si Bobbi Kristina.

“I loved Krissi with all my heart and I am destroyed that she is gone and I need to say goodbye. Krissi loved me very much and she would want me there,” sabi sa e-mail ni Gordon.

Nagkaroon ng family drama sa pagitan ng Houston at Brown family noong araw na iyon.

Pinaalis sa simbahan ang aunt ni Bobbi Kristina na si Leolah Brown dahil nagtangka itong manggulo at pigilan magsalita ang kapatid ni Whitney na si Pat Houston.

Inakusahan kasi ni Leolah si Pat na ginagamit nila si Bobbi Kristina para maka-raise ng funds sa isang foundation.

Bago nga umalis si Leolah, ito ang sinabi niya sa media:

“Whitney will haunt Pat Houston from the grave. She will haunt her. Pat, it’s not over. It has just begun. It has just begun. I have information, I have evidence, I have knowledge of who Pat really is -- she is not any relation whatsoever to Krissi -- she’s not even a Houston. She’s just being the phony person that she is!”

 

ACIRC ANAK ANG BOBBI BOBBI KRISTINA BOBBI KRISTINA BROWN BOBBY BROWN KRISSI NIYA PAT HOUSTON WHITNEY HOUSTON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with