^

Pang Movies

Bea pumiyok sa problema nila ni Zanjoe

- Vinia Vivar - Pang-masa

Tila inasahan na ni Bea Alonzo na tatanungin siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo sa presscon ng The Love Affair movie nila nina Richard Gomez and Dawn Zulueta under Star Cinema dahil nang matanong kung masaya siya ngayon, say niya “alam ko na kung saan papunta ‘yan, eh. Diretsuhin mo na ako”.

At talaga rin naman kasing hindi pwedeng hindi itanong ‘yun sa kanya ng entertainment press dahil naging issue nga recently na nagkakalabuan sila ni Z.

Once and for all, in pain and broken ba siya ngayon tulad ng role niya sa The Love Affair?

“Mukha ba akong in pain?” balik-tanong niya.

“Hindi, okay naman ako, okay naman kami (ni Zanjoe) and oo, mayroong mga pinagdaanan, lahat naman tayo, hindi nawawala ‘yan, di ba?

“But ‘yung pinakaimportante do’n is kung paano mo i-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito. So, we’re working it out and masaya naman kami. Okay naman kami,” paglilinaw ni Bea.

Parang masaya naman nga sila together sa show nila sa London recently, di ba?

“O, di ba? Oo,” she  said.

So, happy naman sila?

“Happy naman kami. Responsibilidad mo sa sarili mo na maging happy ka,” say pa ng aktres.

Natanong din siya tungkol nga sa pagkakatsismis nila ni Paulo Avelino na sinagot na rin ng aktor sa farewell presscon ng Bridges of Love at pareho lang ang sagot nila.

Ayon kay Bea, lumalabas daw talaga sila with some friends at hindi raw ‘yun matatawag na “date” since marami nga sila. Wala raw ibang namamagitan sa kanila ni Paulo kundi friendship at alam naman daw ni Zanjoe ‘yung paglabas nila.

The Love Affair is showing on August 12 mula sa direksyon ni Nuel Naval.

Goma at Dawn grabe ang halikan at tsuktsakan, aktres pumayag ding pahawak ng boobs

Sa trailer ng The Love Affair ay may eksenang hinawakan ni Goma ang dibdib ni Dawn kaya naman natanong ang dalawa kung paano nila nagawa ang scene at kung paano nakumbinse ang aktres na gawin ito.

 “Well, as an actor kasi,” say ni Dawn, “you usually take everything in the whole content and you have to understand what the scene is really all about.

“Of course, you as the audience, watching it on a trailer, you don’t understand what’s happening in the scene. You only see that part and it shocks you.”

Singit naman ni Goma, “na-shock din ako, eh.”

Sagot naman ni Dawn, “na-shock ka rin? O ako rin, na-shock.”

Patuloy ng aktres, “but if you read the script the way we do as actors and you understand where it’s coming from, what was the scene prior to this and where it is going, you begin to appreciate what happened to the characters at bakit sila nagkaganu’n.

 “So, it really didn’t need much convincing.”

Wala raw siyang naging reservations dahil nga naintindihan niya ang eksena at kumportable naman daw siya sa rason why it is needed.

How about Richard? Hindi ba siya nailang?

 “Ano ka, na-excite nga ako,” say ni Chard kaya nagsigawan ang mga fans na nasa presscon.

Sabi naman ni Dawn, linawin daw ni Chard ang sagot na ginawa naman ni Goma.

 “Hindi, honestly, pinag-usapan talaga namin ni direk kung paano ‘yung gagawin kay Dawn. And then, tinanong ko si Dawn, of course it’s very sensitive, eh, you know, that part of body of Dawn.

 “Sabi ko, alam ba ‘to ng asawa mo, di ba? Siyempre, it’s up to her to explain to the husband. Kami naman, we’re actors doing our scenes together. So, I guess, napag-usapan nila ‘yun,” sabi ni Goma.

Say naman ulit ni Dawn, “also, what’s so difficult to understand, it’s not like we were doing it in a torrid love scene. Galit kami. Galit siya.”

Biro na naman ni Goma, “sana lagi akong galit.”

Natawa naman si Dawn, at say niya, “luko-luko, bawiin mo ‘yan!”

In fairness to Dawn and Richard, kitang-kita naman sa kanila na pareho silang kumportable na magkatrabaho lalo na nga kay Goma na panay ang biro sa ex-girlfriend.

ACIRC

ANG

BEA

BRIDGES OF LOVE

DAWN

DAWN AND RICHARD

GALIT

GOMA

HINDI

LOVE AFFAIR

NAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user