Aktres na matagal nanirahan sa abroad naging balat-sibuyas sa mga katrabaho
Jun Lalin (Pang-masa) - July 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Maraming nakakapansin na sobrang sensitive ang aktres na ito na matagal nawala sa showbiz dahil nang mag-asawa’t nagkaanak ay nanirahan sa ibang bansa.

May eksena si aktres at isang young actress sa isang taping. Inirapan daw ni young actress si actress nang magkamali sa kanilang eksena. Ininda ‘yon ni actress.

Masyadong sensitive si actress, pero hindi niya nakikita ang sarili. May mga pagkakataon pala na may mga dialogue siya na ikinasasama ng loob ng ilan niyang mga kaibigan.

Annabelle aligaga sa Gutz…

Ang VIP ng media launch kagabi ng third season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez sa The Palace Pool Club sa may Valkyrie, The Fort, Taguig City. Part owners ng nasabing club ang Gutierrez twins na sina Richard at Raymond.

Sa Monday, 9:00PM na mapapanood sa E! Asia ang bagong season ng reality TV series ng Gutierrez family na sila mismo ang producers.

Bago ang pilot episode, mula 12:30PM hanggang 9:00PM ay mapapanood naman ang It Takes Gutz to be a Gutierrez season one and two marathon.

Si Annabelle Rama ang pinakaunang dumating sa The Palace Pool Club. Sa tindi ng traffic kahapon, nag-decide si Bisaya na maagang pumunta sa kanilang event.

Sa aga ni Bisaya, 4:00PM pa lang ay kinukulit na niya sina Tito Eddie, Ruffa, Elvis (with Alexa), Richard (with Sarah Lahbati and Baby Zion), Raymond at iba pang miyembro ng kanyang pamilya na maagang pumunta sa The Palace Pool Club.

Ayaw ni Bisaya na nali-late sa kanilang mga event. Kahit maraming mga tauhan ang E! na nag-aasikaso sa kanilang event, si Bisaya pa rin ang aligaga kahapon.

ANG ANNABELLE RAMA BABY ZION BISAYA IT TAKES GUTZ PALACE POOL CLUB RAYMOND SA MONDAY SARAH LAHBATI STRONG TAGUIG CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with