LJ gusto nang patangay kay Paolo Contis!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - July 24, 2015 - 10:00am

Nagkakamabutihan na raw sina LJ Reyes at Paolo Contis?

Ito ang naging usap-usapan sa naging last taping day nga ng Yagit kung saan nagkasama ang dalawa.

Ayon sa isang source ay naging very close nga raw sina LJ at Paolo. Tuwing babanggitin daw kay LJ ang pangalan ni Paolo, tila kinikilig daw ito.

 “Matagal ko nang kilala si Pao. Hindi ko alam… tingnan na lang natin.

 “Abangan natin ang mga mangyayari sa mga susunod na araw, buwan at taon!” sabay tawa niya.

Sa tono nga ng pananalita ni LJ ay parang totoo nga na may pagkakaunawaan na sila ni Paolo.

 “Siguro sabi ni Lord sa akin na tapos naman na ang trabaho natin sa Yagit, puwede na akong magpata­ngay!

 “Pero tingnan pa rin natin kung ano ang mangyayari,” ngiti pa niya.

Huli ngang na-link si LJ kay JC de Vera. Nabalita noon na nagde-date sila, pero biglang natigil nga ito.

May kinalaman nga raw kasi ang pagiging artista nila sa magkaibang networks. Si JC ay dating GMA talent na nasa bakuran na ngayon ng ABS-CBN.

May anak nga si LJ kay Paulo Avelino na si Ethan Akio na nag-turn 5 years old noong July 24.

Kung sakaling magkatuluyan sina LJ at Paolo, may instant family na sila dahil may dalawang anak naman si Paolo sa dati nitong ka-live in partner na si Lian Paz.

Thea second hand ang biniling sasakyan

Hindi nga raw nakialam si Mikoy Morales sa pagbili ng kanyang nababalitang girlfriend na si Thea Tolentino ng second hand na Montero SUV.

Binigyan na lang daw si Thea ng pera ni Willie Revillame bilang pangako nito na bibigyan niya ito ng sasakyan. Gusto raw ni Willie na si Thea na ang mamili ng gusto nitong sasakyan.

Natuwa naman si Mikoy dahil hindi na mahihirapan si Thea sa pagpunta sa taping at sa pag-uwi nito sa kanyang pamilya sa Calamba, Laguna.

Isang multi-talented artist nga si Mikoy dahil bukod sa pagiging actor, singer and songwriter, concert producer na rin ito at musical director.

Paul Rudd instant box office sa Ant-Man

Ang comedian na si Paul Rudd ang latest na box-office star ng Hollywood dahil sa kanyang pagbida sa bagong Marvel movie na Ant-Man.

Nag-debut nga ito at number one sa US box-office with $57.2 million making it the 12th number 1 debut ng isang Marvel movie.

Very unusual choice nga raw ang comedian na si Rudd for the role of Scott Lang in Ant-Man dahil mas nakilala nga siya sa mga goofball comedies tulad ng Anchorman, I Love You Man, The 40-Year Old Virgin at Knocked Up.

Pero si Rudd nga ang tamang aktor na hanap ng producer para sa Ant-Man.

Inamin ni Rudd na hindi masyadong familiar ang marami sa small hero na si Ant-Man, hindi tulad ng ibang Marvel heroes tulad nila Captain America, Thor, The Hulk, Spider-Man at Iron Man.

 “Most people aren’t familiar with Ant-Man, first of all. But then when you tell people, ‘Well, he shrinks to the size of an ant,’ basically that means you’re invisible. My suit was real. ... I am a little biased, but I think it’s the best-looking suit. I have a total, total respect for ants. I would never flick them. I don’t smush them. I don’t set ant traps. I let them alone. They’re my brothers and sisters.”

Lalabas ulit siya as Ant-Man sa Captain America: Civil War in 2016.

Una ngang nakilala si Paul Rudd sa 1995 film na Clueless kung saan nakasama niya si Alicia Silverstone. Nakapareha niya ang ilang sikat na Hollywood leading ladies tulad nina Jennifer Aniston (Object of My Affection, Wanderlust); Charlize Theron (The Cider House Rules); Eva Longoria (Over Her Dead Body); Reese Witherspoon (How Do You Know); Leslie Mann (This Is 40) and Tina Fey (Admission).

Nitong July lamang ay natanggap na ni Rudd ang kanyang star on the Hollywood Walk of Fame.

ACIRC ALICIA SILVERSTONE ANG ANT ANT-MAN CAPTAIN AMERICA MAN NGA PAUL RUDD STRONG THEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with