Dennis suwerte raw sa ‘pagiging’ Sugo
Jun Lalin (Pang-masa) - July 23, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - After 58 shooting days pala ay natapos na rin ang Sugo movie ng Iglesia Ni Cristo na line-produced ng Viva Films.

Sabi ng isang nakapanood ng rushes ng pelikula, napakaganda raw no’n at suwerte ni Dennis Trillo na siya ang bida sa tinaguriang “most ambitious project” ng INC na based sa buhay ni Mr. Felix Manalo.

Bukod kay D­ennis, napakaraming big stars na kasama sa pelikulang ‘yon. Sabi nga pala, kaya walang masyadong napapabalita tungkol sa shooting ng pelikulang ‘yon ay dahil “bawal” pa raw muna.

Pero may bonggang launching daw ang INC once na malapit nang ipalabas ang Sugo.

Direk Joel natapos pa rin ang Sugo kahit na-stroke

Si Joel Lamangan ang direktor ng Sugo. Half-way ng shooting ng Sugo ay nagkaroon ng mild stroke ang direktor.

Mabuti na lang daw at hindi masyadong malala ang naging health crisis ni Direk Joel, kaya kahit may shooting days na, ang assistant niya ang humalili muna sa kanya sa pagdidirek ng Sugo. Nakabalik pa rin naman ang direktor sa shooting ng pelikula at siya na ang tumapos ng
pelikula.

Legal wife tahimik lang Mark Anthony umamin na sa babaeng sampung taon na mas bata sa kanya

Open na raw si Mark Anthony Fernandez tungkol sa pagkakaroon niya ng bagong inspiration. More than 10 years daw ang agwat ng edad ni Mark sa bagong minamahal. May dialogue pa raw si Mark na soul mate niya ang bagong minamahal.

Hiwalay nga pala si Mark sa misis na si Melissa Garcia. Hindi annulled ang kasal ni Mark kay Melissa.

Nag-try akong tawagan si Melissa para kunan ng reaksyon, pero ayon kay Paula Punla (manager ng anak nina Mark at Melissa na si Grae Fernandez), no comment daw ang legal wife ng aktor.

Ayon naman sa isang malapit din kay Melissa, alam na raw ng estranged wife ni Mark ang tungkol sa pagkakaroon ng bagong inspiration ng aktor.

Hindi raw nagkokomento ng kahit na ano si Melissa tungkol doon.

Hindi raw si Melissa ‘yung tipong makikisawsaw sa issue ngayong umamin na ang estranged husband na may bago na itong mahal.

Wala raw aasahan na manggugulo si Melissa. Pero wala namang sinabi ang kaibigan ni Melissa na wala itong balak na gawing legal action ngayong very open na si Mark sa pagkakaroon ng bagong karelasyon.

 

ACIRC ANG DENNIS TRILLO DIREK JOEL GRAE FERNANDEZ IGLESIA NI CRISTO MARK MARK ANTHONY MELISSA RAW SUGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with