Sharon nawalan ng poise dahil kina Jolina at JR
Vir Gonzales (Pang-masa) - March 31, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Malaking bagay si Megastar Sharon Cuneta sa programang Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN. May karapatan siyang pumili kung sino ang tama at dapat manalo. Nagsisimula pa lang niyang magbalik sa ABS-CBN, markado agad ni Sharon ang show.

Nawala naman ang poise ni Mega nang kumanta si Jolina Magdangal bilang si Cher, at si JR bilang Bamboo. Tuwang-tuwa rin siya kay Nyoy Volante, bilang Tina Turner.

Kung tutuusin, mabigat din ang kalaban nilang Cele­brity Bluff sa GMA hosted by Eugene Domingo. Bukod sa nakakaaliw at nakakapulot pa ng kaalaman. Mala­king factor sina Jose Manalo, Boobay at Brad Pete.

Ara at Sofia bagay maging mag-ina

Balik-television na si Ara Mina pagkaraang magsilang ng kanyang first baby. Maganda ‘yung Maalaala Mo Kaya (MMK) episode nila ni Sofia Andres bilang anak niya, na maagang nabuntis pareho.

Humahanga kami sa casting director ng mga teleserye sa ABS-CBN, nakukumbinsi nilang magbalik-showbiz ang mga artistang matagal ding nawala sa limelight. Naririyan si Maureen Mauricio, na nagbabalik-television din sa Bridges of Love.

Natutuwa ang televiewers na muli nilang nakikita mga dating artistang hinahangaan.

Alex kailangang pumatok sa Inday Bote para may manood ng concert

Dapat mag-click ang Inday Bote ni Alex Gonzaga para maging puhunan sa mga manonood ng kanyang coming concert sa Araneta Coliseum. Dapat magpasiklab siya ng kanyang song and dance number. Sisiklab nga kaya?

Willie inaabangan

na ng MGA suking senior citizen

Mabuti na lang at hindi pala drawing ang announcement na muling magbabalik ang programa ni Willie Revillame. At this time, sa Kapuso naman siya magpapasaya. Galing na kasi ang TV host-comedian ng ABS-CBN at TV5. Tiyak susugod na naman ang mga senior citizen sa show ni Willie dahil uulanin na naman sila ng datung sa show. Ewan lang kung payagan ng GMA na ganito rin ang maging style ni Willie sa bagong tahanan.

ACIRC ALEX GONZAGA ANG ARA MINA ARANETA COLISEUM BRAD PETE BRIDGES OF LOVE DAPAT EUGENE DOMINGO INDAY BOTE JOLINA MAGDANGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with