_pang-masa
^

Gov. Vi hahayaang makapag-solo sa Batangas sina Luis at Angel

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 30, 2015 - 10:00am

Mula mismo kay Batangas Governor Vilma Santos, para sa Holy Week, wala sila sa Batangas. Pupunta sila ng Manila.

Sa Manila, Gov. Vi obviously means, sa kanilang bahay lang in Ayala Alabang sila ng kanyang asawang si Senator Ralph Recto and son, Ryan.

‘‘Sina Lucky (obviously referring naman to son, Luis,) and his girlfriend, Angel (Locsin) ang nasa Batangas,’’ she added.

After the Holy Week, both Gov. Vi and Angel will be busy na sa shooting ng kanilang first movie together para sa Star Cinema and with direk Joyce Bernal at the helm.

Story and screenplay, written by Mia Concio, the still untitled movie also stars Xian Lim.

Xian bihirang masarili si Kim

Of Xian Lim, during the entire Holy Week, nasa abroad siya kasama ang several Star Magic talents,  with rumored girlfriend na si Kim Chiu, of course, for a series of performances abroad, courtesy of the TFC (The Filipino Channel).

According to Xian, it is only on occasions like this one, na kahit papaano ay nagkakasolohan sila ni Kim. Na nagiging daan din para lalo nilang makilala ang isa’t isa.

Xian’s role in the Gov. Vi at Angel movie, he knows daw was first offered to Luis, who begged off.

‘‘Kaya dapat lang na magpasalamat ako kay Luis, ‘di ba?’’ ang nakangiting saad ni Xian.

Luis at Angel ayaw ipag-ingay ang pagtulong

Speaking of Luis, ayon sa kanyang talent ma­nager na si June Rufino, who happens to be Senior Vice President too of Viva Films, ‘di siya nagtaka when in the game program Kapamilya: Deal or No Deal, hindi nagda­la­wang-isip man lang si Luis na pangakuan ang komed­yanteng si Atak na bi­bigyan niya ito ng amount of more than P150,000 para makapagpa-thorough check up as advised by Atak’s medical doctor tungkol sa sakit na diumano’y ma­tagal na niyang nararamdaman. Malamang na may kinalaman ito sa kanyang liver.

As we all know, in Kapamilya: Deal or No Deal, si Atak na napi­ling celebrity contestant one time at posibleng manalo ng P1-M, did not hide his excitement hoping na mapanalunan niya ang nabanggit na amount.

May plano na rin siya what to do with his win, if of course, he turns out to be lucky.

Half of it, he said on the air, he will give to his Mom. The other half, for the series of medical check-ups na, ayon sa kanyang doctor, he has to submit himself, too.

At nanalo nga naman siya ng P150,000.

Kaya wika nga, pumasok sa eksena si Luis and made the announcement then and there, advising Atak to just give the amount he won to his mother. At bibigyan niya ito ng same amount, from his own pocket. Yes, for his medical treatment.

As June R. further said: ‘‘Marami na siyang natulungan ‘di lang actually mga fellow performers niya na gipit sa pera, but he would rather not announce it.

‘‘Rare ang scenario na nangyari sa pagtulong niya kay Atak.

‘‘Isang katangian ito ni Luis he has in common with Angel Locsin (his girlfriend). ‘‘Pareho silang matulungin. But they’d rather remain quiet with it. ‘‘Kaya,’’ sabi pa ni June R., ‘‘sana, mas maraming artista na nakakaangat, kung baga, ang katulad nina Luis at Angel.’’

Well amen, June.

 

ACIRC AFTER THE HOLY WEEK ANG ANGEL LOCSIN ATAK HOLY WEEK KAYA LUIS NO DEAL XIAN XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with