Marian hindi bagay na tibo!
Vir Gonzales (Pang-masa) - March 29, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - May komento na tila nagkabaligtad daw ang mga papel na gagampanan nina Marian Rivera at Glaiza de Castro sa bagong GMA Teleserye na The Rich Man’s Daughter. Lesbyana kasi si Marian at ang girl naman ay si Glaiza. Dapat daw si Glaiza ang tomboy dahil mahinhin ang beauty ni Marian. Bihira raw kasi sa mga magaganda ang mga nagiging lesbyana.

Nora mas kailangan ng pera kaysa award

Binigyan ng parangal ang Superstar Nora Aunor sa University of Bicol kamakailan. Kabi-kabila ang tinatanggap na papuri ng Superstar dahil sa mga ginagawa niyang pelikula lalo na sa indie. Pero malaking proyekto sana ang ibigay kay Guy, ’yung tipong gagastusan at pipilahan. Saka na ‘yung mga awards na nakukuha sa mga art film. Let’s face it, higit na kailangan ng sinuman ang kuwarta ngayon.

Alex hinuhulaang hindi umiinom ng kape

Marami ang humuhulang hindi umiinom ng kape ang utol ni Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga dahil sa coming concert niya ngayong April. Ang tapang talaga at ang lakas ng loob ni Alex. I­magine, gaganapin sa Ara­neta Coliseum ang concert niya? Marahil kung nabubuhay pa si Mama Elay, dating tumutulong sa kanilang magkapatid noon, tiyak super tuwa nito.

Dapat mag-click ang teleserye niyang Inday Bote para makatulong humakot ng manonood sa Big Dome.

 

ACIRC ALEX ALEX GONZAGA ANG BIG DOME DAPAT GLAIZA INDAY BOTE MAMA ELAY MARIAN RIVERA RICH MAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with