^

Pang Movies

Drama actress ginagastusan ang male celebrity na binigyan niya ng virginity

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagsisinungaling pala ang drama actress na ito nang sabihing hindi na sila nagkikita na ng male celebrity na nakasira sa kanyang magandang image.

Sinabi nito na wala na raw silang communication dahil nagdesisyon silang hindi sila para sa isa’t isa. Pero taliwas sa sinabi ng drama actress, may nakakita sa kanila sa isang private resort sa ‘di kalayuang probinsya.

Ayon sa aming source, doon daw ang tagpuan ng dalawa kapag wala silang masyadong abalang sche­dule. Nitong mga nakaraang buwan ay pareho ngang pahinga muna ang dalawa kaya inaabot daw sila ng buong weekend sa naturang private resort.

Dahil mas malaki ang kinikita ni drama actress, ito raw ang parating pumipirma sa mga dapat bayaran sa naturang resort.

“Free loader ‘yang si male celebrity. Palibhasa baliw na baliw sa kanya ang drama actress kaya okey lang na gastusan niya.

“Kay male celebrity niya kasi isinuko ang virginity niya kaya ayan, kapit na kapit siya sa male celebrity at lahat gagawin niya para lang hindi siya iwan nito.

“Kaya echosera siya nang sabihin niyang wala na sila. Eh noong nakaraang weekend lang ay magkasama sila at sasakyan pa ni babae ang sumundo sa freeloading na male celebrity!” tawa pa ng source namin.

Ang nakakatakot ay baka malaman na naman ito ng girlfriend ni male celebrity at muli silang mag-away dahil sa drama actress na hindi na nawala sa buhay nila.

Will Ferrell may star na rin

Nabigyan na rin sa wakas na kanyang sariling “star” on the Hollywood Walk of Fame ang box-office comedian na si Will Ferrell.

The 47-year-old comedian ay isinama ang mga anak na sina Magnus, Mattias and Axel para i-share ang kanyang kasayahan sa pagbigay ng star sa kanya.

“You want to step up and take a tour around and show people off your suits? Just take a little lap, don’t step on the star,” sey pa ng comedian sa kanyang tatlong anak.

Si Ferrell ang ika-2,547th celebrity na nabigyan ng star sa Hollywood Walk of Fame.

Nagsimula si Ferrell bilang part ng comedy troupe na The Groundlings hanggang sa kunin siyang part ng cast ng Saturday Night Live kunsaan nakilala siya sa kanyang paggaya kay former US President George W. Bush.

Naging lead actor sa mga hit comedy films si Ferrell tulad ng Anchorman, Elf, The Other Guys at ang bago niyang pino-promote na Get Hard.

Dumating ang mga kaibigan ni Ferrell na sina Molly Shannon at John C. Reilly para masaksihan ang pagbigay ng parangal sa kanilang kaibigan.

“It goes without saying that I feel so fortunate, and yet I can’t accept this award. So just cover it up, cover it up for someone else.”

 

ACIRC

ANG

CELEBRITY

GET HARD

HOLLYWOOD WALK OF FAME

JOHN C

MATTIAS AND AXEL

MOLLY SHANNON

OTHER GUYS

PRESIDENT GEORGE W

WILL FERRELL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with