Imahe ng Sagrada Familia sa mga rosas, milagroso nga ba?
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - March 29, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Aalamin ni Kuya Kim Atienza ang mga kwento sa likod ng mga pamahiin tuwing Semana Santa ngayong Linggo (Marso 29) sa Matanglawin.

Kilalanin ang ilang masu­swer­teng indibidwal na nakalapit sa isang “rock star” na bumisita rito sa bansa na may higit-kumu­lang na limang milyong follower sa Twitter. Mamangha sa kwen­to ng mga taong ito ng ma­ka­da­u­pang-palad nila ang Papa Fran­cisco.

Samahan si Kuya Kim sa kan­yang pagpapaliwanag ng mga iba’t ibang paniniwala ng mga Pi­lipino tuwing Semana Santa, lalo na ng mga nakatatanda. Ito ba ay isang alternatibo sa pagdiriwang ng panahon ng penitensya kung hindi maliligo, magwawalis ng sahig, maglabada o kaya magkuko?

Panoorin din ang mga deboto ng Mt. Carmel at Mary Mediatrix of All Grace sa kanilang pagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang pananampalataya sa mga mirakulo ng paggaling ng iba’t ibang sakit at ang pagpapakita umano ng mga mukha ng Sagrada Pamilya sa mga rosas.

 

AALAMIN KUYA KIM KUYA KIM ATIENZA MARY MEDIATRIX OF ALL GRACE MT. CARMEL PAPA FRAN SAGRADA PAMILYA SEMANA SANTA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with